MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon kontra-droga sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 3 Disyembre.
Batay sa ulat ng mga hepe ng pulisya ng San Jose Del Monte, Hagonoy, Pulilan, Meycauayan, Malolos, at Bocaue C/MPS, nagsagawa ng magkakahiwalay na drug bust operations ang kani-kanilang Station Drug Enforcement Units.
Nagresulta ang mga ito sa pagkakaaresto ng 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga at pagkakasamsam ng 21 sachet ng hinihinalang shabu at isang sachet na tuyong dahoon ng marijuana na tinatayang nagakakahala ng P219,572, kabilang ang buybust money.
Dinala ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensiya sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri, habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanila.
Pahayag ni P/Col. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang sunod-sunod na operasyon at pagkakaaresto ay patunay ng masinsin at patuloy na pinalalakas na kampanya ng kapulisan sa lalawigan laban sa kriminalidad. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com