Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice supply chain sa Siapo Elementary School sa Barangay Pinagturilan, Occidental Mindoro — na nagpapakita na ang paglago at makabuluhang pag-unlad ay maaaring maging reyalidad kapag ang ahensiya ng pamahalaan at ang komunidad ay nagkaisa.

Ang paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU)  sa pagitan ng National Food Authority (NFA) at ng Department of Agriculture’s Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (DA‑4K) program ay isinakatuparan bilang suporta at  market access para sa palay na mula sa komunidad ng IP na saklaw ng ancestral domains.

Kabilang sa mga opisyal na dumalo sa nasabing seremonya sina Garizaldy Bontile ng NFA Central Office, NFA Occidental Mindoro Assistant Branch Manager Kathlyn M. Gonzales; DA APCO Eddie D. Buen; DA-4K Director Gilbert V. Baltazar; Provincial Agricultural Officer Engr. Alrizza Zubiri; Municipal Agriculture Office representative Johnny Ramos; at Marylou G. Cologan mula sa office of the provincial governor. Ang mga miyembro ng pulisya, intelligence, at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay nandoon din upang magpakita ng suporta.

Matapos ang pirmahan ng MOU, ang mga magsasakang IP ay agad na sinimulan ang paghatid ng mga palay sa ilalim ng bagong programa. Sa loob  ng tatlong oras ay nakapagsuplay sila ng kabuuang 12,852.25 kilograms, na binili ng pamahalaan sa halagang ₱23 bawat kilo, na nagkakahalaga ng kabuuang ₱295,601.25.

Sinabi ng mga opisyal ng pamahalaan na ang maagang procurement sa ilalim ng MOU ay nagpapakita ng kongkretong hakbang sa pagpapabuti ng local rice supply, na nagbibigay sa mga magsasaka ng ancestral-domain ng fair market access at ng pagbaba sa dependence sa imported na bigas.

Ang DA-4K program na isang special initiative ng Department of Agriculture ay sumusuporta sa Indigenous communities sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood assistance, production support, marketing linkages at enterprise development, ang lahat ng ito ay isinasakatuparan na may respeto sa tradisyonal na kaalaman at kaugalian.

Sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap na ito, ang mga awtoridad ay umaasa na mabigyan ng kapangyarihan ang mga magsasakang IP, pagandahin ang rural livelihoods, at palakasin ang national food security.

Ang kaganapang ito ay nagpapakita na – kapag ang ahensiya ng pamahalaan at ang local na komunidad ay nagsanib-puwersa, kayang makamit at maisakatuparan ang makabuluhang kaunlaran at paglago.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …

Dead body, feet

Sa Talisay, Negros Occidental
Bangkay natagpuan sa pribadong kotse

WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng isang kotse sa Brgy. Efigenio …