Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ

AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika matapos hindi suwertehing manalo bilang vice mayor ng Batangas.

“As of now, my main focus ay balik sa pagho-host, to take care of my family. Marami pa rin akong itutulong din naman sa Batangas. Pero if we talk about running again, hindi ko na naiisip,” ani Luis sa isinagawa nilang thanksgivingpresscon at bilang birthday na rin ni Jessy Mendiola  kahapon, December 3 sa entertainment press noong Martes, December 2 sa Relish, Quezon City.

“Honestly hindi ko na naiisip. Siguro after everything na we went through, everything that’s going on and chances are will still go on, para sa akin I found my niche once again, actually right after the campaign, right after the election, for a while medyo I was lost. 

“Kahit andyan ang ibang proyekto natin to be perfectly honest, noong tumakbo ako may mga endorsement na nawala na naiintindihan ko naman. Very understandable for business reasons bigla na lang they had to keep their distance sa akin. Kumbaga nawala ako, teka lang before the campaign, before the elections, everything was lay down already. 

“Tapos nangyari ang mga bagay-bagay, then after parang everything started to place right away. Parang ayaw ko nang sayangin din iyong opportunity kasi not everyone is given a second chance na manumbalik sa industriya.

“Ito mula sa puso ko, sa ibang mga endorsement ko, sa mga brand ko, kahit things didn’t go our way eh, hindi nawala ang tiwala nila sa akin. In fact, in two days I will be shooting a new family tapos I have three renewals ng mga endorsement. Kaya maraming-maraming salamat na iyong tiwala pa rin sa akin…it’s a big thing eh para pagkatiwalaan ka pa rin ng mga produkto at lahat-lahat na may bago, magre-renew. Kaya I’m very thankful na andoon pa rin ‘yan.

“Kumbaga, ayaw ko nang ilagay sa alanganin once again that trust. So as of now my main focus is balik sa pagho-host, take care of the family, but marami pa rin naman akong maitutulong din naman sa Batangas. But if we talked running again, hindi ko na naiisip,” mahabang paliwanag ni Luis.

Ukol naman sa kung susundan na nila ang panganay nilang si Peanut, naibahagi ni Luis na, “Tinatanong namin siya na kung she wanted to be ate na. Minsan sinasabi niya, ‘No.’ Kasi alam niyang prinsesa siya, ayaw niyang may kahati siya. But at the end of the day. May nabasa akong article kanina na mas bumabait yata ang isang tao kung may kapatid silang babae.”

Hindi naman itinanggi nina Luis at Jessy na gusto nilang magkaroon ng isang sitcom. Naikuwento ni Luis na may balak sanang magkaroon sila ng sitcom before pandemic. 

“Mayron na sana kaming sitcom na gagawin before pandemic, kasama si mommy (Gov. Vilma Santos). Tatlo o apat na format na sitcom na as in nai-present na sa amin 

“Tapos hindi natuloy dahil nabuntis si Haw-Haw. But siguro we we’re looking a different story and dapat kasama si mommy talaga. 

“Sana talaga kasi nami-miss ko ang sitcom. As in ‘Home Sweetie Home’ na ang dami kong ginagawang show pero iyon ang pahinga ko kasi the fact na kasama ko sina Kuya Bayani (Agbayani), Alex, Toni (Gonzaga), tumatawa ako sa eksena. 

“Sana iyong saya ng isang eksena eh magawa ko kasama si Haw Haw,” wika pa ng aktor/host.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …