Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid ni dating Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna, ng graft at grave misconduct sa Office of the Ombudsman laban kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Manila Vice Mayor Chi Atienza, at 13 iba pa, nitong Martes ng umaga.

Sa press conference, sinabi ni Lacuna, ang kanilang aksiyon ay dahil sa ‘ilegal na pag-alis’ sa kanya sa posisyon bilang pangulo ng Manila chapter ng Liga ng mga Barangay.

“Ako po ay nag-file ng kaso laban sa ilang opisyal ng Maynila dahil po sa ilegal na pagpapatanggal po sa akin. Ito po ay hindi dumaan sa due process. Ako po ay ang ex-officio ng City Council ng Maynila dahil ako po ay lehitimong Liga president po ng Maynila,” pahayag ni Lacuna.

“Ayoko pong isipin na politika. Siguro naman po, hindi po lingid sa iba na ang kapatid ko po ay ang dating mayor Honey Lacuna. Ako na lang po ang natitira na Lacuna sa City Hall po. So, hindi ko po alam. Gusto ko rin pong tanungin kung bakit po nila ako gustong tanggalin at ginawa po nila ‘yun sa ilegal na paraan,” paglilinaw niya.

Ang iba pang mga respondents ay kinabibilangan ni Manila 5th District Councilor Jaybee Hizon, dating Manila Barangay Bureau OIC Joel Par, at 10 bagong halal na opisyal ng Liga ng mga Barangay sa Maynila.

Bukod sa graft, isa pang criminal complaint ang isinampa dahil sa usurpation of official functions sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code.

Samantala, ang administrative complaints, ay dahil sa grave misconduct and grave abuse of authority.

Binigyang-diin ni Lacuna na ilegal ang halalan para sa mga bagong opisyal ng Liga ng mga Barangay sa Maynila dahil sa kawalan ng kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

“Ayon mismo sa by-laws ng Liga ng mga Barangay, malinaw ang proseso ng pagtanggal o pag-alis ng opisyal — dapat may pormal na kasong inihain sa National Liga at mayroong due process o pagkakataon para makapagpaliwanag ang inaakusahan,” nakasaad sa reklamong inihain sa Ombudsman ng grupo ni Lacuna. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …