MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG- MASAYA si Dennis Trillo dahil after 25 years sa showbiz, ngayon lang siya nanalo ng Male Star of the Night kaya naman feeling niya artista na rin siya after 25 years.
Bukod nga sa Male Star of the Night na iginawad sa kanya ni Ms Cecille Bravo ng Intele Builders and Development Corporation ay ito rin ang nanalong Best Actor para sa mahusay na pagganap sa Green Bones.
Itinanghal namang Female Star of The Night ang si Vilma Santos-Recto na iginawad ni Mr. Raoul Barbosa, ang star for all seasons din ang nagwaging Best Actress para sa pelikulang Uninvited.
Post ni Dennis sa kanyang Facebook account, “First time ko po manalo ko ng “Male Star of the night” sa buong career ko!!! Maraming salamat sa mga kaibigan natin sa PMPC🙏 feeling artista na rin ako after 25 years
“At oo nga pala nanalo din akong Best Actor for Green Bones!🏆 #fyp #foryoupage. “
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com