Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
FIG Morinari Watanabe GAP Cynthia Carrion PSC Patrick Gregorio
NANGUNA si FIG President Morinari Watanabe (ikalima mula kaliwa) at ang mga lokal na opisyal na pinamunuan ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion (ikaapat mula kaliwa) at PSC Chairman Patrick Gregorio (ikatlo mula kaliwa) kasama rin (mula sa kaliwa) sina, Newport World Resorts Senior Vice President Resort Sales Division, Cathy Mercado, Newport World Resorts Hospitaly Chief John Lucas, at sa bandang kanan ay sina Secretary General Nicolas Baumpane at PSC Commissioner Edward Hayco sa opening press conference ng 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa Manila Marriott Hotel Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City. Kasama rin nila ang mascots na sina Lila (kaliwa) at Bughaw. Ang limang araw na kompetisyon ay simula Nobyembre 20 hanggang 24. (HENRY TALAN VARGAS)

World Junior Gymfest lifts off today

HANDA na silang tumalon nang mataas, umikot nang mabilis, gumulong, mag-prans at sumayaw—dahil ang susunod na henerasyon ng gymnastics stars ay magpapakitang-gilas na sa 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships na magsisimula ngayong araw sa Manila Marriott Hotel Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.

Bubuksan ang limang-araw na kompetisyon ng isang mala-piyestang opening ceremony sa 9:15 a.m., hatid ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) at suportado ng Office of the President, Philippine Sports Commission, at PAGCOR.

Si Derek Ramsey, na miyembro rin ng GAP, ang magiging host ng 30-minutong programa na magpapakilala sa 74 bansa at halos 800 gymnasts na lahat ay naghahangad na magdala ng karangalan sa kanilang mga bansa. Para sa marami sa kanila, malaking hakbang ito papunta sa mas malalaking international competitions.

Isang highlight ng opening show ang pag-awit ni Arnel Pineda ng Journey ng theme song na “Going for Gold.”

“Hindi pa tayo nagkakaroon ng ganitong kalaking international gymnastics showcase dito sa Pilipinas. Kaya iniimbitahan namin ang lahat na makisaya at panoorin sila,” sabi ni GAP president Cynthia Carrion sa press conference.

Dumalo rin sa event ang FIG President Morinari Watanabe, Secretary General Nicolas Baumpane, PSC Chairman Patrick Gregorio, PSC Commissioner Edward Hayco, at mga opisyal ng Newport World Resorts.

Ayon kay Gregorio, malaking bagay ang pagho-host ng ganitong sports events para sa turismo: “May halos 2,000 bisita na darating para sa junior worlds—ito na mismo ang sinasabi namin. Alam ’yan ni Tita Cynthia,” sabay tawa habang tinutukoy ang dating tungkulin ni Carrion sa Department of Tourism.

Unang lalaban para sa Pilipinas ang girls team na sina Sabina Tayag, Maxine Bondoc, Jellian Bantilan, at Fil-Am Elisabeth Antone. Excited silang lahat na makapag-perform sa harap ng sariling kababayan.

“Super excited po ako, lalo na’t dito sa Pilipinas ang competition,” sabi ni Bondoc, 13. “Ang saya rin na makilala ang napakaraming bagong tao.”

Bukod sa kanila, susunod na sasabak bukas ang boys team na pinangungunahan ni Karl Eldrew Yulo, kasama sina John Anthony Palles, Hilarion Yulo III, at CJ Pernia, para sa team at qualification rounds. (GAP / HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …