VOCAL si Nadine Lustre sa pagsasabing may tatoo siya sa kanyang katawan at hindi niya ito inililihim.
Aware ito sa iniisip ng ibang tao sa pagkakaroon niya ng tatoo. May mga nagsasabi na ‘di magandang tingnan na may tatoo ang isang babae, habang ang iba naman ay nadudumihan.
Inirerespeto ni Nadine ang komento ng bawat indibidwal sa pagkakaroon niya ng marka sa katawan.
Iyong iba tao na pinararatangang dugyot o burara ang mga taong may tattoo. Iba naman ang kanyang paniniwala, dahil aniya ayos lang na magkaroon nito lalo’t personal choice ito at walang ibang taong nasasagasaan.
Deadma na lang si Nadine sa mga basher na bumabatikos sa kanyang tattoo dahil malinis naman siya pagdating sa pag-aalaga sa kanyang pangangatawan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com