Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isha Ponti Andrea Gutierrez

Isha at Andrea main concert performer na 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PUSH na push na ang pagiging main concert artists nina songwriter Isha Ponti at Bossa Nova artist Andrea Gutierrez.

Sa Dececember 13, bibida sila sa The Next Ones sa Music Museum na makakasama nila ang isa sa mga icon ng music industry, si Rey Valera.

Kung dati-rati nga ay nagsisilbi lang silang mga ‘front act artists’ ni Rey, ngayon mismong ang mahusay na songwriter-singer ang nagbigay-encouragement sa kanila na maging main concert performers.

“Medyo ambitious po siguro but ‘The Next Ones’ is not just about us, it is also about us paving the way for the next generation,” sey ni Isha na binati nga naming medyo may anggulong kawangis ni Jessica Sanchez.

Sa nasabing concert ay iparirinig ni Isha ang likhang original song ni Rey para sa kanya, na inakala niya noong una na binibiro lang siya.

Iparirinig naman ni Andrea ang version niya ng Walang Kapalit na mismong ibinigay sa kanya.

“Noong nalaman ko na una akong babaeng magco-cover ng ‘Walang Kapalit’ naisip ko totoo po ba? May trust po siya. Overwhelmed and thankful na binigyan niya ako ng hit song,” sey ni Andrea, na may hawig naman kina Janella Salvador at Judy Ann Santos.

But of course may kanya-kanyang strength sina Isha at Andrea na isu-showcase sa concert. May mga collab songs din silang first time nilang gagawin together from upbeat to mellow to pop and love songs.

Ang matatawag na back-to-back concert sa Dec. 13 sa Music Museum ay ididirehe ni Calvin Murphy Neria, habang si Adonis Tabanda naman ang musical director.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …