Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Ex-Cong. Co, paano makauuwi kung may banta sa buhay?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SA ISYU ng kontrobersiyal na flood control ghost projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang pangalan ni dating congressman Zaldy Co ay isa sa nakakaladkad —- isa sa inaakusahang sangkot sa bilyon-bilyong anomalya.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami, na nasa labas ng bansa ang dating mambabatas para magpagamot kaya hindi nakapagbigay ng pahayag si Co kaugnay sa iniaakusa sa kanya at panawagan na umuwi na ng Filipinas.

Pero ang katahimikan ng kampo ni Co ay kanila nang binasag… at sa kauna- unahang pagkakataon, humarap sa mamamahayag ang representante ng dating mambabatas sa isang press conference.

Luyunin ng pulong balitaan ay para bigyang linaw ang tila nalilihis na isyu sa usapin ng korupsiyon, flood control projects at mga pagmamay-ari ni Co —- ang 3 eroplano o chopper na napag-alamang ito pala ay na-acquire ng Misibis Aviation, isang kompanya na itinatag noong taong 2004, 15 years bago pa maging representante si Co nitong taong 2019.

 “How can properties acquired before being a congressman be illegal,” saad ni Atty. Ruy Rondain, representative at abogado ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Co.

Ayon kay Atty. Rondain, sa usapin naman ng “counter affidavit” ni Zaldy Co sa mga alegasyon sa kanya, papaano sila sasagot sa isang bagay na wala namang kaso pang isinasampa sa kanyang kliyente. Kasong sinumpaan ng isang nilalang na “under oath”.

Diin ng abogado ni Co, ang mga paglilinaw sa presscon ay isang paraan upang maliwanagan ang taong-bayan sa issue dahil ito ay nalilihis umano kaya “the narrative has been so twisted because of the misinformation”… “the people in general has been misled on the issue” ayon kay Atty. Rondain.

Inilinaw din sa presscon ang SALN ni Co, na naging focus ng netizens at media sa presscon. Ikinagulat ng lahat no’ng  nabanggit ng abogado ni Co na sa unang taon pa lamang na Congressman si Co, ang kaniyang ari-arian ay nagkakahalaga na ng P4.1 billion at ito ay nakadeklara at sinusuportahan ng mga dokumento gaya ng kaniyang ITR.

Tinanong ng isang reporter kung willing bang  ipakita ni dating Cong. Co ang kaniyang SALN ngayon, “the Ombudsman is the custodian of all SALNs ever since the time of Arroyo.”

Taliwas sa mga lumalabas na balita na hinahanapan ng Ombudsman ng SALN si Co.

Kaya bago natin tuldukan ang lahat, ay marapat na bigyan pa ng pagkakataon si Co at ang mga abogado nito na bigyan pa ng tsansang masagot ang mga alegasyon dahil sa hinahaba-haba ng buwan na tinatakbo ng imbestigasyon, sigaw ng netizens ay wala pa rin napapanagot o ang mga tao bang mainit sa mata ng gobyerno ay ang mga totoong sangkot sa issue o tila ginagamit lamang upang malihis ang issue sa mga taong totoong may sala? Isang katanungan na dapat abangan ng mamamayan ang kasagutan. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …