Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lucky Robles The Clone

Pagkapanalo ni Lucky Robles sa The Clone kinukuwestiyon ng mga netizen

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAY kaunting intriga na kinukwestiyon ngayon ng mga loyal at ardent viewers ng Eat Bulaga tungkol sa kanilang The Clone, grand concert last Saturday.

Sa naturang grandest grandfinals ng mga “clone singer” ay itinanghal na big winner si Jean Jordan Abina, ang gumagaya kay Karen Carpenter, habang second placer naman si Lucky Robles ang gumagaya kay Gary Valenciano, at si Rouelle Carino ang third placer, ang clone naman ni Matt Monro.

Ang iba pang mahuhusay na pumasok sa grand finals (lahat sila ay naging grand winners sa kanilang music category) ay ang mga clone nina Steve Perry, Miley Cyrus, Basil Valdez, Michael Bolton, Dulce, at Queen.

Nagkakaisa ang lahat na very deserving ang clones nina Carpenter at Monro, pero naging kwestiyonable nga ‘yung pagkapanalo niyong clone ni Gary V.

Higit daw na mahusay at dikit ang boses ng mga clone nina Miley Cyrus, Michael Bolton, Basil Valdez, at Queen kaya’t hindi raw dapat nanalo ‘yung Robles.

Ayon sa aming napag-alaman, beterano naring kontesero itong si Lucky at nagpe-perform na nga sa mga comedy bar, kasama na roon sa The Klownz ni Allan K.  

Mabibigyan kasi ng oportunidad ang naturang winner/s na mag-set sa naturang venue na pag-aari ng EB host.

Nagtatanong ang maraming netizen kung paanong tinalo ni Lucky ang higit na mahuhusay na clones?

Hindi raw kaya nang-influence si Allan sa mga umupong judges na ang bobongga kung tutuusin gaya nina Kuh Ledesma, Pepe Herrera, Raymond Lauchengco, Aicelle Santos, Ima Castro, Mon Faustino, Jimmy Antiporda, Vince de Jesus, Juris, Sheryn Regis, at Ice Seguerra?

Hmm, baka naman kasi iba ‘yung dating ng boses sa live kapag pinakikinggan kompara sa napapanood sa TV, hindi kaya?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …