Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa isa

pang barangay hall sa Lungsod ng Makati, muling nabunyag ang paggamit ng pasilidad ng gobyerno

para sa pansariling kampanya ng mga politiko, nang matagpuan ang campaign materials ni Kid Peña, kasalukuyang longresista at tumatakbong bise alkalde, sa loob ng barangay hall ng Barangay Pio del Pilar kahapon Biyernes, 9 Mayo 2025.

Habang nagsasagawa ng house-to-house campaign sa lugar sina Senadora at kandidato sa pagka-alkalde Nancy Binay at dating Kongresista at kandidato sa pagka-bise alkalde Monsour Del Rosario, bumisita sila sa barangay hall upang bumati sa mga empleyado.

Doon tumambad sa kanila ang campaign posters at paraphernalia ni Peña na nakaimbak sa loob mismo ng

pampublikong pasilidad — isang hayagang paglabag sa COMELEC Resolution No. 11104,

Seksyon 34(b), na tahasang nagbabawal sa pag-iimbak ng mga “posters, sample ballots, o kahit anong campaign paraphernalia” sa mga barangay hall, covered court, o alinmang pag-aari ng pamahalaan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may kahalintulad na insidente mula sa parehong kampo.

Noong 29 Abril 2025, natuklasan din ng Binay-Del Rosario camp ang mga campaign materials

ni Luis Campos, tumatakbong alkalde at running mate ni Peña, sa loob ng barangay hall ng Barangay Pinagkaisahan.

Sa kanyang pahayag sa social media, inamin mismo ni Campos na ang mga materyales ay nasa loob ng barangay hall, nakasalansan sa mesa para kunin ng mga

residente — isang paliwanag na hindi makabubura sa katotohanang ito ay labag pa rin sa batas.

Ang magkakasunod na mga insidente ay nagpapakita ng malinaw at sistematikong pag-abuso

sa pondo at pasilidad ng gobyerno upang isulong ang pansariling interes ng mga kandidato.

Ang mga barangay hall ay dapat nananatiling neutral at hindi ginagamit bilang bodega ng mga

materyales sa kampanya.

Nanawagan ang Binay-Del Rosario team sa Commission on Elections (COMELEC) at iba pang

kinauukulang ahensiya na agad magsagawa ng masusing imbestigasyon at magpataw ng

kaukulang parusa sa mga responsable sa mga nasabing paglabag. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …