Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, kasabay ng pagpuri sa kanyang mga tagasuporta.

I feel good to be around you (volunteers), and of course on a very, very special day, sa birthday, kaarawan ni Bam. Dahil siyempre, pakiramdam ko, kasama ko kayo dahil isa rin akong volunteer magmula pa noong 2013, doon sa BamBus,” wika ni Dingdong na nagpasalamat sa mga volunteer dahil palagi silang naririyan para kay Bam mula umpisa.

I think that’s because of our shared admiration, our shared respect, and shared love for our birthday boy. Kaya siguro nararapat din na bigyan natin siya ng dasal at ng isang magandang pagbati sa napakahalaga ang kaarawan niya,” dagdag pa niya.

Ayon kay Dingdong, kilala na niya si Bam mula pa noong grade school sila, na nauna lang sa kanya ng ilang taon ang dating senador.

Magkakilala na kami noon pa. Mga tatlong taon siyang mas ahead—mas matanda ng kaunti sa akin,”ani Dingdong.

Pero kahit noon pa man, pakiramdam ko, kasapi na ako ng Bam Bam Fans Club,” dagdag pa ng aktor, na ang tinutukoy ay ang palayaw ni Bam noong bata pa.

Para naman sa kanyang personal na birthday wish para kay Bam, sinabi ni Dingdong, “For him to have the strength to carry on lahat ng mga plano niya para sa atin. Dahil kailangan niya ito siyempre para magampanan ang gusto niya gawin para sa ating bayan.”

Pang-11 si Bam sa pinakabagong Pulse Asia survey na ginawa mula Abril 20 hanggang 24. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …