Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang 7:30 ng umaga nitong 2 Mayo, ngunit iniulat sa Calamba CPS dakong 11:40 ng umaga ng parehong petsa sa Purok 5 A, Brgy. San Cristobal, Calamba City, Laguna.

Sa nabanggit na petsa at oras, tawag sa telepono ang natanggap ng Calamba CPS mula sa duty BPSO ng Brgy. San Cristobal, Lungsod ng Calamba.

Ayon sa saksi, nagpapastol siya ng kanyang mga baka sa lugar ng insidente nang matuklasan niya ang isang walang buhay na katawan na nakahandusay sa lupa.

Pagkatapos no’n, siya’y agad pumunta sa kanyang bahay at sinabi sa kanyang pinsan na isa siyang BPSO ng Brgy. San Cristobal at ibinalita sa Calamba CPS.

Ang bangkay ay dinala sa Quijano Funeral Services para isasailalim sa awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay.

Kinilala ang biktima na isang Jayson De Leon Casulla, lalaki, 27 anyos, binata, residente sa Purok 5A Brgy. San Cristobal, Calamba, Laguna.

               Kinilala ang saksi na si Olivio Arsadon, Mendoza, lalaki, 65 anyos, magsasaka, balo, residente saPurok 5 A, Brgy. San Cristobal, Calamba City, Laguna.

Agad nagsagawa ng kahilingan ang IOC sa SOCO Assistance sa RFU 4A para sa awtopsiya. Humiling din ng footages ng CCTV na naka-install malapit sa lugar ng insidente; at humahanap ng ibang saksi na posibleng nakakita ng insidente. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …