Wednesday , April 2 2025
Multi-sectoral na grupo sumuporta sa ARTE partylist at Shamcey Lee

Multi-sectoral na grupo sumuporta sa ARTE partylist at Shamcey Lee

MALAKING suporta sa kandidatura ni Shamcey Supsup-Lee, sa Konseho ng unang distrito sa Pasig City at sa ARTE partylist, nang   matanggap nito ang isang manifesto of support ng multi-sectoral na grupo.

Nagtipon-tipon ang pangunahing opisyal ng grupong kababaihan, kabataan at creative artist at grupo ng LGBTQIA sa Kalawaan covered court ng Barangay Kalawaan, Pasig City nang sama-samang nilang ipinahayag  ang suporta para kay Shamcey at ARTE partylist.

Ipinarating ni Shamcey Lee ang kanyangbpagkalugod at sinambit ang kanyang walang pagtatanging paglilingkod para  isulong ang batayang karapatan at kahilingan ng lahat ng sektor sa Kapasigan.

Sinabi  ni Lee na ang pagkakaroon ng multi-sectoral collaborations  ay mas malakas at may kakayahang lutasin ang mga sistematikong problemang kinakaharap ng bawat sektor.

Lahat tayo ay magkakaugnay at  may dakilang tungkulin sa buhay na tulungan ang kapwa upang sama-sama nating makamit ang hangarin ng nakararami.

Ang ipinapakitang multi-sectoral formation sa pamayanan sa Kapasigan ay lalong nagbibigay sigla sa programa ng ARTE partylist na isatinig ang hangarin ng Malikhaing Filipino sa Kongreso, lahad ni Lee.

“Ang nahubog na sining at kultura sa ating kinapapaloobang sektor at pamayanan ay sama-sama nating pagyamanin katuwang ang ARTE Partylist para sa kinabukasan ng mga malikhaing Filipino sa bansa at maging  sa pandaigdigan larangan,” diin ni Shamcey-Lee. (30)

About hataw tabloid

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …