Thursday , April 3 2025
TRABAHO Partylist Melai nakatulong na sa naghahanapbuhay, nakapamalengke pa para sa pamilya

Melai nakatulong na sa naghahanapbuhay, nakapamalengke pa para sa pamilya

IBINAHAGI  ng TRABAHO Partylist sa kanilang opisyal na Facebook page nitong Lunes ang video na makikitang binigyan ng plataporma ni celebrity mom Melai Cantiveros-Francisco ang mga nagtitinda ng karne sa Mutya ng Pasig Mega Market na maipahayag ang kanilang mga suliranin sa paghahanapbuhay.

Nagpakilala sa pangalan na John at Warren, idinaing nila na ang mataas na presyo ng mga bilihin, tulad ng kanilang ibinebentang karne, ay isa sa kanilang mga suliranin dahil pinapahina nito ang kanilang benta.

“Mataas po ang presyo ng mga paninda ngayon. Hindi na po kaya minsan ng mga mamimili natin,” paliwanag ni Warren.

Ang tumataas na presyo ng mga sariwang karne ay nagtutulak rin sa mga mamimili na piliin ang mas murang alternatibo – ang mga karneng imported at frozen.

“Kalaban po namin ‘yun  [frozen na karne]”, daing ni John.

“Kasi mas mura po ‘yung frozen [na karne], paglilinaw ni Warren.

Sa harap mismo ng mga nominee ng TRABAHO, numero 106 sa balota, dininig ang kanilang mga kinakaharap na pagsubok upang ito ay maaksiyonan, at maisama sa legislative agenda ng grupo.

Hinimok ni Melai ang mga nominee na ipaliwanag ang kanilang mga isinusulong upang maintindihan din nila Warren at John ang kahalagahan ng legislative agenda at paano ito makatutulong sa kanila.

“Sapat na sahod, sapat na kita, kalidad na trabaho, hanapbuhay, karagdagang benepisyo, patas na oportunidad po para sa lahat,” paglalahad ni nominee Atty. Johanne Bautista.

“Yes. kailangan talaga ng patas na oportunidad, hindi sila napag-iiwanan. Lalo na po kayo kasi ikino-consider po namin kayong mga heroes lalo na noong pandemya. Kayo ang rason kung bakit busog ang bawat pamilyang Filipino,” dagdag ni nominee Ate Ninai Chavez.

Ikinatuwa nilang lahat ang makabuluhang pagdadaop-palad na ito, lalo pa nang bumili si Melai ng karneng pang-ulam para sa kaniyang pamilya.

“Dahil diyan bibili ako!,” wika ni Melai habang namimili ng karne.

“S’yempre magluluto ako ng sabaw para sa mga anak ko,” pagtutukoy ni Melai sa kanyang mga anak na sina Mela at Stella, na kapwa celebrity.

Hindi napigilang ipagkapuri ng grupo si Melai sa kanyang ginawang paglalapit sa TRABAHO at mga naghahanapbuhay sa palengke sa Pasig.

“Siya [Melai] ay may puso ng mapagmahal na ina at ng isang Filipino na may tunay na malasakit para sa kapwa manggagawa,” pahayag ng TRABAHO.

About hataw tabloid

Check Also

Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating …

Bulacan Police PNP

Crackdown ng Bulacan PNP laban sa krimen, walong pugante at isang tulak nasakote

SA WALANG tigil na anti-criminality operations, naaresto ng pulisya ang kabuuang siyam na indibidwal na …

PNP PRO3

Mga insidente ng krimen sa Central Luzon, bumaba ng 19.37%

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang pagbaba sa mga insidente ng krimen sa …

Bulacan DOH-CLCHD IMPACT Awards

DOH-CLCHD, kinilala ang mga programa ng Bulacan para sa infectious diseases

KINILALA ng Department of Health-Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD) ang mga pagsisikap ng …

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …