Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano Barako Fest Batangas Vilma Santos

Luis nawala 4 na endorsement sa pagtakbong vice governor sa Batangas; Paglulunsad ng Barako Fest 2025 matagumpay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Luis Manzano na marami sa kanyang endorsement nawala o hindi na nag-renew. Ito ang isiniwalat ng award winning TV host kahapon, Huwebes sa Barako Fest 2025 na ginanap sa Lipa City, Batangas simula nang magdesisyon siyang pasukin ang politika.

Ka-tandem ni Luis sa pagtakbo ang kanyang inang si Vilma Santos na tumatakbo muling gobernador ng Batangas.

Tanggap ni Luis ang pag-atras ng ilan niyang endorsements dahil may mga kontrata siya na hindi maaaring konektado siya sa politiko.

“To be honest, nagpaalam na kami (show) at marami sa mga endorsement ko ang hindi na nag-renew. Ganoon kaagad-agad nang maisipan namin na mag-file ako ng candidacy.

“Isa iyan sa sinabi ni Gov Vi. Unang usapan pa lang namin noong kumakain kami. Sabi niya, anak, alam ko ang industriya, maniwala ka na the moment na mag-announce ka lahat-lahat, maniwala ka sa hindi lahat ng mga endorsement mo mawawala.

“Katunayan, tatlo o apat sa mga endorsement ko ang nag-pull out na. Ang sa akin naman, ‘oo naiintindihan ko rin naman iyon, ‘yung income ko tatamaan naman talaga. 

Sabi pa nga niya, ni Gov Vi, ramdam ko ito simula’t sapul, ‘anak mabawasan ka man ng commercial mabawasan ka ng endorsements, mas masarap ang tulog mo dahil mas marami kang natutulungan na tao,” giit pa ni Luis.

Aware rin si Luiz na hindi madali ang public service. “Hindi siya madali in general na marami kang makakahalubilo, marami kang makakausap. Pero ang pinakamadali siguro is finding the balance para sa lahat ng gusto.

“Sa certain sector, may mga hinihingi na hindi mo naibibigay, may kabilang sector na humihingi ng kanilang tulong, assistance, proyekto. Pero ang pinakamahirap sa akin ay marami kang gustong gawin sa Batangueno o para sa mga Batangueno but to be perfectly honest siyempre limitado pa rin sa budget mo, limitado ka rin sa pwede mong magawa. 

“Kaya nga sabi ng isa sa ating kongresista na napakagandang pagkakataon na ito para sa kapitolyo dahil mayroon na tayong tulong mula nasyonal na hindi lamang nagsisimula o nagtatapos mula sa secretary of finance pero marami rin tayong mga kongresistang Batangueno na magtutulong-tulong pa lalo. 

“So ang pinakamahirap ay i-satisfy ang lahat ng distrito, lahat ng mga barangay, pero ang pinakamaganda kung magkakasama kami hindi ako mag-iisa na magserbisyo sa mga Batangueno,” lahad pa ng mister ni  Jessy Mendiola.

Hindi na binanggit ni Luis kung ano-anong brand o produkto ang hindi na nag-renew ng kanyang kontrata.

Ibinalita rin ni Luis na nag-taping na siya para sa finale ng kanyang game show sa Kapamilya Network, ang Rainbow Rumble dahil umpisa na ang campaign period para sa May, 2025 elections.

Samantala, kasama ni Luis ang inang si Ate Vi at kapatid na si Ryan Christian Recto na tumatakbo namang kongresista sa 6th District ng Batangas na nagbukas ng pagsisimula ng Barako Fest 2025 sa Lipa.

Kahapon, February 13 hanggang February 15 tatagal ang Barako Fest 2025. Kasamang nilibot ng mag-iina ang kahabaan ng Manila-Batangas Bypass Road na ilang daan ang nag-participate na mga negosyo mula sa iba’t ibang bahagi ng Batangas. 

“The third edition of the Barako Festival, which opened here Thursday, is not just a celebration of Batangas province’s high-quality coffee variety.

“It also highlights the top products of each city and municipality and how they create jobs and boost the local economy.

“Hotels are fully booked. Restaurants are always full. It couldn’t get any better than this,” ani Bryan Diamante, president at chief executive officer ng Mentorque Productions, organizer ng Barako Fest 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …