Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Baby Go

BG Productions International ni Ms. Baby Go, may pasabog sa 60th birthday celebration

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SUPER-SAYA ang ginanap na 60th birthday celebration ni Ms. Baby Go  sa Valle Verde Country Club. Dumalo rito ang kanyang pamilya, mga kaibigan, ilang artista, mga direktor, at mga kaibigan sa entertainment press.

Masayang ibinalita rin dito ng film producer na muling magiging aktibo ang kanyang kompanya sa pagpoprodyus ng mga de-kalidad na pelikula at mainstream projects.

Ang BG Productions International ay nagsimulng mag-produce noong 2013, sa pamamagitan ng pelikulang “Lihis” na isinulat ng National Artist Ricky Lee, sa direksiyon ng multi-awarded director Joel Lamangan na pinagbidahan nina Lovi Poe, Jake Cuenca, Isabel Daza, Joem Bascon at Ms. Gloria Diaz. Agad nasundan ng isa pang de-kalidad na pelikula na “Lauriana” written also by Ricky Lee, directed by the late Mel Chionglo topbilled by multi-awarded actor Allen Dizon and Bangs Garcia.

Pagkatapus niyon nagkasunod-sunod na ang mga pelikulang nagawa ng BG Productions gaya ng “Homeless” directed by Neal Tan, starring Snooky Serna, Dimples Romana, Martin del Rosarion and Ejay Falcon; “Tupang Ligaw”, an action packed film starring Matteo Guidecelli, Paolo Contis and Ara Mina, directed by Rod Santiago; “Laut” topbilled by Barbie Forteza, Gabbi Garcia and Jak Roberto ni Louie Ignacio; Almost A Love Story, directed by Louie Ignacio, na sa Italy pa kinunan; “Area” topbilled by Ai Ai delas Alas and Allen Dizon na nanalo ng special jury prize sa prestihiyosong “Eurasia International Film Festival” in Kazahstan; “School Service” a Cinemalaya film festival entry topbilled by Ai-ai delas Alas and competed in A-lister Warsaw Film Festival.

Kasama rin dito ang “Child Haus” na tungkol sa mga batang may kanser at nanalo ng Best Children Film sa Bangladesh, directed by Louie Ignacio; Sekyu starring Allen Dizon, Sunshine Dizon and Melai Cantiveros, written by Ricky Lee and directed by Joel Lamangan; “Iadya Mo Kami” starring Aiko Melendez, Allen Dizon, Diana Zubiri, Ricky Davao and the late Eddie Garcia, written by Ricky Lee and directed by Mel Chionglo; Balatkayo written by Jason Paul Laxamana, directed by Neal Tan and topbilled by Aiko Melendez, Polo Raveles, Nathalie Hart & Rico Barrera na nag-shooting pa sa Dubai and Singapore; “Siphayo” topbilled by Natalie Hart, Luis Alandy,Alan Paule, Elora Espano and Joem Bascon, written by Eric Ramos; Bigkis directed by Neal Tan and topbilled by LJ Reyes, Enzo Pineda, Rosanna Roces & Mike Tan; Latay “Battered Husband, starring Allen Dizon and Lovi Poe, directed by Ralston Jover; at ang pinakahuli ay ang “Abenida’ topbilled by Allen Dizon and Katrina Halili, with Joel Lamangan & Gina Pareno na patuloy na umiikot sa mga International filmfest at nakatakdang ipalabas ngayong 2025.

Sa loob ng 12 years ay naka-16 na pelikulang nagawa ang BG Productions.

Sa kabila ng mahirap na kalagayan ng industriyang Filipino ay ipinahayag  ni Ms. Baby na “full blast” ang kanyang pagpo-produce ng pelikula simula ngayong 2025. Sinabi niya na paulit-ulit na ang pagprodyus ng pelikula ay kanyang “passion”. Mostly mainstream movies ang nakatakda niyang gawin na pagbibidahan ng mga sikat na artista. Ngunit hindi puwedeng mawala ang mga pang-international film festival na planong ilaban muli sa international filmfest – na nakilala ang BG Productions. Naka-line ups ang mga pelikulang gagawin nina Direk Joel Lamangan, Louie Ignacio, Lester Dimaranan (sa proyektong co-produce nila ni Atty. Ferdinand Topacio ng Borracho Films), Ralston Jover, Adolfo Alix Jr at Zig Dulay.

Masayang-masaya si Mam Baby at super-excited sa mga nakalinyang pelikula na gagawin ng kanyang produksiyon. Siyempre, hindi mawawalan ng proyekto ang kanyang mga babies na sina Allen Dizon (na paborito ng kanyang kompanya), Kate Brios, Rhea Usares, at ilang mga baguhang talents na ipakikilala soon.

Sa mga susunod na araw ay isa-isang ibabahagi ng BG Productions ang mga proyektong gagawin nila with final casting. Kaabang-abang dito ang mga proyektong gagawin sa Brazil, Bahrain at Australia.

Sino-sino kaya ang mga suwerteng mapapasama sa mga piling-pili na proyektong ito?

Bilang pagtatapos ay ibinahagi rin ni Ms. Baby ang pagtakbo ng kanyang Party List – No. 146, ang “Bagong Pilipinas”. Para sa kanya, kung papalarin, matutupad ang kanyang pangarap na palawakin ang pagsisilbi sa bayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …