Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sugar Mercado Salome Salvi Intele Builders Development Corporation Cecille Bravo Pedro Pete Bravo

Sugar at Salome pinasaya thanksgiving party ng Intele

MATABIL
ni John Fontanilla

PINASAYA ni Sugar Mercado at VMX star Salome Salvi ang two-part Christmas Party/Thanksgiving Party ng Intele Builders & Development Corporation na pag-aari ng napakabait at very generous na mag-asawang Cecille at Pedro “Pete” Bravo kasama ang kanilang mga anak na sina Jeru, Maricris, Miguel, Matthew, Anthony.

Kasama rin sa nagpasaya ang mga kapatid na lalaki ni tita Cecille na sina Christian Tria at Joel Tria and family  at  mga kapatid ni Tito Pete na sina Adelfa Curading at Rene Bravo na galing ng Canada na ginanap sa  Balai Isabel sa Talisay Batangas noonh Dec. 14-16.

Bago nagsimula ang programa ay nagmisa muna si Father Glen Andrei Barbosa Baes OSJ at binasbasan ang mga naroroon na nagsi-celebrate ng birthday, anniversary, at si sir Pete. 

At sa first part ay naging espesyal na panauhin si Salome na kinantahan at sinayawan ang mga empleado at special guests ng Intele. Nag-perform din at nagbigay saya ang P3 Boyband na mula sa GMA 7 Voice Generations.

Itinanghal na Mr and Miss Intele Lotto 2024 sina Elizabeth Fundal-Office Aide at Ibhan Peneda-Quality Assurance and Compliance Engineer na tumanggap ng crown, sash, cash prize, at gifts. Nagsilbing host sina DJ Janna Chu Chu ng Barangay LSFM at Ima Castro.

Sa second part ay naging espesyal na panauhin sina Sugar, Part 3 Band, Ima, Sephy Francisco, La Familia Band, at Klinton Start.

Nagsilbing host naman dito sina It’s Showtime Online host Wize Estabillo at Star Music recording artist Janah Zaplan at Russel Lim.

Kinanta at isinayaw naman nina Ima, Sephy, Jopper Ril, Tita Jay, Jovan Dela Cruz, Klinton, at Miguel ang Intele jingle.

Present at sumuporta ang mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa sa pangunguna ng kanilang best friend at CEO & President ng Frontrow na si RS Francisco, Sienna Batch 84 at Ka- Fam. Nagsilbing director naman ng part 1 and 2 program si Raoul Barbosa at assistant director Jeffrey Dizon kasama pa ang BB House of Talents Staff.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …