HARD TALK
ni Pilar Mateo
KINSE-ANYOS pa lang pumasok na sa kamalayan ni David Ezra ang musikal na Himala.
Bakit? Ang nanay niyang si Dulce ang gumanap na Aling Saling nang ipalabas ito noong 2023.
Wala siyang kaalam-alam at kamalay-malay. At sa panonood niya nito sa Tanghalang Batute ng CCP (Cultural Center of the Philippines), hindi na ito humiwalay sa kanyang isipan.
At ang naaalala niya, nang i-restage ito bilang isang musikal noong 2023, para sa pagdiriwang ng ika-sampung taon, na gumanap pa rin ang dakila niyang inang si Dulce, napukaw siya sa papel na ginampanan ni OJ Mariano, bilang ang dokumentaristang si Orly.
Bumilang ng taon. Maraming nangyari. Saglit niyang tinalikuran ang buhay sa showbiz sa Pilipinas. Kasama siya sa mga nag-audition sa Disney sa HongKong at nagpe-perform para sa mga turista sa “happiest place on earth.”
At hindi nawala sa isip niya nang minsan siyang ipagmalaki ng ina sa isang involved sa Himala. Nahihiya pa siya pero sadyang ipinagmamalaki siya ng ina. At sa tinuran sa kanyang, “Maybe in the future!”
Nagpapasalamat ngayon si David na nagkaroon na ito ng katotohanan.
Siya na si Orly. Kasali pa ito sa MMFF 2024 (Metro Manila Film Festival).
Very thankful. Grateful si David. Dala niya ang kaba sa dibdib na nagbibigay ng apoy sa inspirasyong ibinigay niya para magampanan ang isang mahalagang papel.
Ang tinawag na “heartthrob ng entablado” ay papaimbulog ngayon sa pelikula. Sa isang musikal na magagamit niyang mabuti ang napag-aralan sa Konserbatoryo ng Musika sa Pamantasan ng Santo Tomas.
Nag-audition. 2018. Pumasa. Nag re-run ng 2019.
At ngayon sa mas malaking entablado na. Sa pelikula. Bida pa!
At lalaban sa siyam pang lead actors to get the Best Actor plum.
Will luck be on his side? And give David the miracle of being the best among his peers this Christmas?