Friday , November 15 2024

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

111424 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO

NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas sa ilalim ng anim na taong pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa isa sa mga chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes.

Direktang sinabi ni Abante, isang Baptist church pastor at chairman ng House human rights committee, kay Duterte na siya at ang iba pang mga lider ng kanilang simbahan ay sumuporta at bumoto sa kanya nang tumakbo bilang pangulo noong 2016.

“We believed in you, we believed in your plan, despite ‘not knowing you from Adam’,” giit ni Abante.

Sinabi ng solon na sinuportahan din nila ang kampanya ni Duterte laban sa droga ngunit nadesmaya sila nang humantong ito sa pagkamatay ng libo-libong Filipino.

Idinagdag niya na nangako noon ang bagong halal na Pangulong Duterte na tatapusin ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan.

“Pero inabot po kayo ng anim na taon. Hanggang ngayon, meron tayong war on drugs,” saad ni Abante.

Ipinunto ng mambabatas, sa ilalim ng marahas na gera kontra droga ng administrasyong Duterte, libo-libong Filipino ang napatay ng mga tiwaling pulis at mga hitman o mga riding-in-tandem.

“Hindi namin akalain kung bakit kinailangang pumatay nang libo-libong Filipino, more than 30,000 in fact. Sa more than 30,000 victims, 7,000 lang ang drug suspects,” mariing pahayag ng mambabatas.

Ayon kay Abante, malakas ang loob ng mga ‘assasin’ na pumatay ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan dahil sa mga pabuyang ipinagkaloob ng administrasyong Duterte.

Batay sa mga testimonyang tinanggap ng Quad Committee, umabot ng P1 milyon ang iniaalok na cash reward para sa pagpatay sa isang high-value target o suspect sa ilalim ng Duterte drug matrix.

Gayonpaman, binanggit ng mambabatas mula sa Maynila na itinanggi ng dating pangulo ang pagkakaroon ng reward system sa kanyang testimonya sa Senado noong 28 Oktubre.

“Naging killing fields po ang ating bansa. Talo pa natin ang Mexico at Columbia, kung saan not more than 10,000 ang namatay,” giit ni Abante.

Sinabi niya na maging mga bata at inosenteng sibilyan ay napatay sa kasagsagan ng gera kontra droga at ang kanilang mga kamatayan ay itinuring na ‘collateral damage’.

Sa kabila nito, nagpasalamat si Abante sa dating pangulo sa kanyang pagpapasya na humarap sa Quad Committee “upang sagutin ang mga tanong mula sa mga mambabatas.”

“Rest assured po that Congress recognizes your role as our former president, and we will extend to you the respect that the position deserves,” garantiya ni Abante.

Inilinaw naman ni Abante na bagamat nararapat na magbigay-galang ang Quad Comm, hindi nila kailangang magpakita ng sobrang pagpapakumbaba na magiging hadlang sa kanilang mga tungkulin at pananagutan sa kanilang posisyon.

“It is important to stress that respect and deference are two different things. It is vital that we, as representatives of the people, remember that distinction, because our ultimate allegiance is not to any one individual, no matter how high their office. We answer to a power greater than any president – we answer to the Filipino people and to God,” pahayag ng mambabatas.

Idinagdag ni Abante na umaasa siyang makatutulong ang dating pangulo sa layunin ng Quad Committee na tuklasin ang katotohanan sa likod ng mga extrajudicial killings na naganap sa panahon ng gera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

Binigyang babala din si Duterte na hindi hahayaan ng komite ang pagmumura at paggamit ng mga salitang masama, tulad ng madalas niyang gawin kahit sa publiko.

“I will not hesitate to raise a point of order, if you do that Mr. President. We are not here to give you obeisance or obedience. You should give us equal respect as we give you equal respect today (Wednesday),” ayon sa mambabatas.

About Gerry Baldo

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …