Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Epal na epal si Camille Villar

SIPAT
ni Mat Vicencio

KAHIT saan tingnang anggulo, malinaw na isang uri o porma ng early campaigning o maagang pangangampanya ang ginagawa ng mga epal na politiko para maisulong ang kanilang kandidatura at masiguro ang panalo sa darating na halalan.

               Tulad ni Congresswoman Camille Villar, tatakbong senador, “epal to the max” na rin ang dating dahil halos pagmumukha na lamang niya ang makikita sa mga nakasabit na tarpaulin sa mga probinsiya ng Ifugao, Quezon, at ilang lugar sa Mindanao.

               Kung tutuusin, hindi lang naman si Camille ang epal kundi pati sina Sen. Imee Marcos, Sen. Bong Revilla, at Senator Bong Go, mga sikat at kilalang senador pagdating sa pagpapakalat ng tarpaulin kapag nalalapit na ang eleksiyon.

               Kung matatandaan, nitong nakaraang Semana Santa, tinadtad din ni Camille ang kahabaan ng EDSA ng kanyang tarpaulin na may mababasang… “Ingat sa Biyahe.” Ang masakit nito, mas malaki pa ang photo ng mukha ni Camille na nasa tarpaulin kaysa mensahe sa mga motorista.

Siyanga pala, kailan pa ba naging opisyal si Camille ng LTFRB, MMDA, LTO, at DOTr?

Hindi rin pahuhuli sa mga pagbati si Camille tulad ng kanyang ginawang pagbibigay pugay sa Olympic champion na si Carlos Yulo na nakakuha ng dalawang gold medals at bronze medalists na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio.

At wala rin kapaguran si Camille sa pagdalo sa mga flag raising ceremony, kasalang bayan, fun run, birthday celebration, graduation, fiesta at festival, at iba’t iba pang uri ng okasyon at pagdiriwang.

               Pati ang pamamahagi ng TUPAD at AICS ay naroroon at present din si Camille kahit hindi naman dapat na pumapel pa ang mga politiko dahil gawain ito ng mga kinatawan ng DOLE at DSWD.

Patuloy rin na makikita sa primetime ng television news program ang political ads ni Camille.

Pero laging meron palusot ang mga epal na politiko sa akusasyong early campaigning dahil sa katuwirang hindi pa sila nagsusumite ng certificate of candidacy at hindi pa rin daw umiiral ang campaign period kaya wala silang nilalabag.

Kaya nga, nasa taong bayan pa rin kung paniniwalaan pa nila ang patuloy na pambobola ng mga epal na politiko at kung nararapat pa bang iboto ang mga ‘yan sa darating na halalan sa 2025. Paalala na rin pala kay Camille, walang puwang na maaagaw o makukuha mo ang titulong “epal queen” dahil matagal nang nakakontrata ‘yan kay Imee Marcos. #

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …