Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlos Inigo Torcelino Vice Ganda

Vice Ganda proud sa ‘baklang anak’ na nagtapos ng Magna Cum Laude

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA si Vice Ganda. Inspirasyon talaga siya ng maraming kabataan. Katulad na lang nitong isang netizen, nang maka-graduate kamakailan ay inialay ang college diploma sa Phenomenal Box-Office Star.

Ayon sa user na si @c0wl0ss, si Vice ang naging inspirasyon niya sa pagtupad sa pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ipinost ng netizen sa social media ang kanyang graduation photo na mababasa ang pangalang “Torcelino Carlos Inigo D” na may logo ng University of the Philippines Diliman.

Mababasa rito na nagtapos ang estudyante ng Magna Cum Laude para sa kursong Bachelor of Arts in Political Science.

Ang mensaheng nakalagay sa naturang post ay, “Meme Vice Ganda. Di mo man makita itong tweet ko pero tinuruan mo ang beki na ito na pwedeng mangarap nang matayog at abutin ito sa kabila nang kalupitan ng lipunan. Mahal na mahal kita.”

Nakarating naman ang message ng netizen sa TV host-comedian at ibinandera ang kanyang kaligayahan para sa pagtatapos ni Torcelino with honors.

“CONGRATULATIONS!!! Ipinagbubunyi kita!!!! Ang buti ng iyong puso, husay ng kaisipan at tapang ng ung katauhan ang baunin mo sa napakagandang bukas na nag-aantay sayo.

“Naniniwala ako sa’yo Anak kong Baklang Magna Cum Laude,” ang proud na proud na mensahe ni Vice para sa kanyang supporter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …