Wednesday , March 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Asawa Ng Asawa Ko naka-1 billion views na

RATED R
ni Rommel Gonzales

CERTIFIED bisyo ng bayan gabi-gabi ang hit GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko.

Nakakuha lang naman ng mahigit 1 billion views and counting ang serye sa Facebook, YouTube, at TikTok accounts ng Kapuso Network.

Komento ng netizens sa Facebook page ng GMA Drama, “Dasurb! Maganda kasi. Gabi-gabi ko talaga ‘tong pinapanood! I’m very interested sa mga mangyayari kaya wala akong nami-miss na episodes. Ang dami nang naadik dito kahit late night na pinapalabas. Congratulations, GMA!”

At ngayon, papasok na rin sa kuwento ang karakter ni Hannah na gagampanan ni Kylie Padilla. For sure, mas lalo pang titindi ang bardagulan at action scenes sa pagdating ng ex-wife ni Leon (Joem Bascon). Magiging kakampi ba siya ni Cristy (Jasmine Curtis-Smith) o tutulungan niya si Shaira (Liezel Lopez) para guluhin ang buhay ng mga bida?

Tutukan, Lunes hanggang Huwebes tuwing 9:35 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream, habang 11:25 p.m. naman sa GTV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Yuki Sonoda at Kelley Day, nakaka-relate sa filmfest entry na “All About Her” 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG mga Pinoy na mahilig sa beauty contest ay dapat …

Jeric Gonzales Elizabeth Oropesa Graduation Day

Jeric at Elizabeth tampok sa pelikulang “Graduation Day” showing na sa March 18

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATINDING drama na aantig at kukurot sa puso ng moviegoers …

Alex Castro Sexbomb Sunshine Garcia

VG Alex sa muling pagsasama ng Sexbomb — nakita  ko ‘yung saya sa asawa ko

RATED Rni Rommel Gonzales PHENOMENAL ang muling pag-arangkada ng career ng Sexbomb Girls, pruweba ang limang sunod-sunod …

Ervic Vijandre Dingdong Dantes

Dingdong at Ervic paghaharap, iniintriga

I-FLEXni Jun Nardo MAGING kami ay nagulat nang makita namin na guest sa Family Feud ang actor-politician …

Elias TV Sang-gre

Elias TV mapapanood sa Sang-gre 

I-FLEXni Jun Nardo PASOK sa GMA fantaserye na Sang-gre ang singer na si Elias TV. Ipinakita na ang teaser ng pagiging …