Thursday , December 19 2024

‘Ekstra,’ mas ‘mabuti’ kaysa ‘Thy Womb’ (Part 2)

KUNG si Brillante Mendoza ay natukso, naging tuso at sumemplang ang kinopyang “Thy Womb” na nilangaw sa takilya, kumita naman siya ng mahigit limang milyon piso sa kanyang “creative work” sa sampung milyong budget na nakalap niya sa isang major investor. Ito’y ayon mismo sa mga kasamahan niya sa naturang project. Ang noo’y 60-anyos (May 21, 1952) na si Nora Aunor ay  binayaran ng P500,000 (sa dalawang equal installments).

Ano naman ang drama ng isang Mes de Guzman, na may mga ‘bituin’ sa kanyang dalawang mata habang ginagawa ang pelikulang “Ang Kuwento ni Mabuti.”

KASALANAN NI ‘MABUTI’

“Visually arresting” ang opening sequence ng pelikulang “Ang Kuwento ni Mabuti” ni Mes de Guzman; kaya inasahan ko ang magandang pangako nito. Idagdag pa rito na nauna kong nabasa ang isang “glowing review” sa Inquirer (Sept. 21, 2013) na talaga naman “nagpo-promote to high heavens” sa

‘Mabuti’ ni La Aunor. It turned out, mas maganda pala ang naturang review kaysa pelikula mismo.

Ang kasalanan ng ‘Mabuti’ ni De Guzman ay ang pagro-romanticize sa kahirapan. Sa pangalan pa lang ng title (role) sa pelikula, lantarang nagbigay-pugay ang director at nanampalataya sa dambana ng kahirapan.

To paraphrase F. Sionil Jose, one of our National Artist for Literature: “Don’t romanticize or glorify the poor, for there’s nothing noble or honorable about poverty.”

At tumpak siya!  Isang malaking kasinungalingan ang sinasabing “moral dilemma” ng malabnaw na “morality tale” ng obra (o maniobra) ni De Guzman. Sumablay ang kuwento ni Mabuti nang ‘di-inaasahang  nagkaroon siya ng milyon-milyong salapi, at nag-intellectualize na ang director sa isang “ethical question” na taliwas o di naman problema ng mga dukha. Lumihis pa siya sa “logic” ng isang napakahalagang sitwasyon.

Sa isang naghihikahos na may malaking problema sa lupang kanyang sinilangan (at may babala pang mailit) ang magkaroon ng napakalaking halaga ng salapi na ‘di naman nakuha sa masamang paraan, maiisip pa ba niyang isoli  ito sa kanilang kapitan sa barangay o sa mayor sa bayan? Idagdag pa na wala naman siyang regular na  pinagkukunan sa pang-araw-araw na pangangailangan at nag-aalaga pa siya  (sa edad 58) ng sakiting ina at apat na maliit na apo (tatlo ay walang ama at ang isa ay walang ina), ano ang dapat niyang gawin?

Sabi nga sa radyo, “Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?”

De Guzman’s cinematic morality play does not only defy logic; it defies nature, human nature even. As it is played out in the film, malinaw na nakaligtaan o sinadyang kalimutan ni De Guzman ang malaking problema sa lupa ni Mabuti at ang inihabiling responsibilidad ng nagbigay sa kanya ng pera tungkol sa iniwang maliit na anak nito sa kabilang baryo.

Ang lahat ng lapses na ito ay upang mabigyan lang ng dahilan na makapag-moro-moro lang si Mabuti sa kanyang konsensiya kuno at mag-emote nang katakot-takot (replete with “magic realism” scenes). Siyempre, para ma-highlight at mai-showcase ang “much-vaunted” acting prowess daw ni La Aunor.

Talagang may mga taong na-brainwash na nang husto sa matagal nang pralala ng mga fanatic sa media. Na di naman kinakagat ng mga manonood, kaya puro flop at wala nang pelikulang kumikita ang mga mata ni Nora.

Sabi ng isang PR-critic (a contradiction, an oxymoron?) the film “’Ang Kuwento ni Mabuti’ is a morality tale built around its lead actress’ thespic tour de force.”

‘Yan na nga ba ang sinasabi ko. One doesn’t make a film based on or focusing on a star’s screen persona on cinematic/public image. Or one will end up finishing fallacies and faults. Faults of the heart (sentimentality) and faults of the mind or the so-called cerebral (intellectualizing).

All told, ang acting ni Nora ay masyadong self-conscious. Aware siya kung ano ang gusto sa kanya ng director at ng fans/fanatics niya, kasama na ang mga nasa media.

Sa dramatic and emotionally charged moments ay mata na lang ang halos pinaiiral at pinagagalaw niya. As expected ——

isa pa, may pagka-Joel Lamangan ang style na ginamit ni De Guzman sa death at grave scenes ng nanay ni Mabuti. Mabuti na lang, ‘di ako nagpadala sa pagpipiga ni Mes sa dramatic moments ng idolo niya.

At any rate, tama rin sina Direk Jose Javier Reyes at Chris Martinez sa ‘di nila pagboto kay Nora Aunor bilang Best Actress sa nakaraang CineFilipino Festival ng TV5. Si Cherry Pie Picache kaya?

Sa tatlong festival films, lumalabas na mas maganda ang simple, honest at walang pretensyong “Ekstra” ni Jeffrey Jeturian.

SIMPLE AT WALANG PRETENSYON ANG ‘EKSTRA’

Sa tatlong nabanggit na pelikula, lumalabas na simple at mas maayos ang pagkakalahad ng kuwento ni Jeffrey Jeturian sa original Cinemalaya 2013 entry, ang “Ekstra.” Diretso lang ang takbo ng istorya nito tungkol sa isang ekstra sa TV soap opera na ginampanan ni Vilma Santos.

Tipong “a day in the life character study” na hinubog sa alternatibong estilo ng “found story” at gamit ang “real time” ng cinema. Mas pretensiyoso pa nga ang ilang review na lumabas na tila naghahanap ng kung ano-ano sa isang pelikulang hayag naman ang intensiyon.

Ayon pa nga kay National Artist for Literature F. Sionil Jose,  huwag pansinin at seryosohin ang mga panulat ng critics mula sa academe dahil kadalasan “bad and dull!” and if I may add, arrogant and irrelevant.

Mas maraming tao ang makare-relate sa character at pangarap ni Linda/Vilma sa “Ekstra” kaysa mga problema at pananaw nina Shalela/Nora (“Thy Womb”) at Mabuti/Nora na parehong timbog sa  “intellectual pretensions” ng award-conscious filmmaking.

Sa madaling salita, kung alin pang pelikula ang simple ang ambisyon at naging tapat sa “commercial consideration” nito as film being basically a business enterprise ay naging matagumpay  sa takilya at sa mga hurado. Hindi lang sa  Cinemalaya kundi maging sa foreign film critics.

Si Loida o ang ekstra sa socio-realist film ni Jeturian ay kumakatawan sa ordinaryong Filipino worker na di sapat ang isang trabaho o gawain para kumita nang sapat para tustusan ang pangangailangan niya sa araw-araw. Tulad ng ekstrang si Loida na kailangang gampanan ang papel ng isang katulong (maid), plantation laborer o isang abogado, maraming daily Filipino wage earner ang kailangan din mag-sideline upang kumita nang husto para sa pangangailangan niya at ng kanyang pamilya, OFW man o local worker.

Kung tutuusin ‘di lang mga ordinaryong worker ang mahilig mag-sideline o mag-multi-tasking na gaya ng ekstrang si Loida. To extend the representation of the Filipino worker further or higher in the hierarchy of labor and class, maging ang mga Presidente, Senador, Congressman, Governor, Mayor, Councilor, Barangay Chair, Kagawad at iba pang katungkulan sa lipunan ay nagsa-sideline rin.

Ilan bang Presidente, Senador, Congressmen at iba pa, ang may double o triple/quadruple jobs bilang smuggler, land grabber, drug lord, gambling lord, scam artist, at kung ano-ano pang pagkakakitaan na gaya ng ekstra na si Loida?

Big or small, ang “Ekstra” ay diretsahang tumutukoy sa “extra income” at “extra-curricular” activities ng mga Pinoy.

***

Paki ng isang katoto: National Council for Culture and the Arts (NCCA), the Cultural Center of the Philippines (CCP), and Saint Gabriel’s Workshop present the Art  Jewelry Workshop by Master Artist Fray Paolo Granados Casurao, CSFP at the CCP, Oct. 17-19, 2013, 8am.-5pm. For registration fee, et cetera,  please contact tel. 8321125 loc. 1710.

Art T. Tapalla

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Nadia Montenegro  Sophia Baron Geisler Mikee Quintos

Sophia sa pagpapalit ng apelyido — I’m very proud sa kung anong mayroon ako ngayon

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng mag-inang Nadia Montenegro at Sophia sa Lutong Bahay hosted by Mikee Quintos, napag-usapan ang  …

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *