Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chinese Coast Guard Kamara

PH Coast Guard dapat manghuli ng Chinese trespassers — Solon

KINONDENA ng isang kongresista ang China sa pagpapatupad ng ilegal na batas sa West Philippine  Sea (WPS) nang salakayin ng mga Chinese ang barko ng Philippine Coast Guard.

Ayon kay Rep. Rufus Rodriguez (CDO, 2nd District) ilegal ang ginawa ng Coast Guard ng China at walang basehan ang kanilang regulasyon na nagbibigay ng pahintulot sa kanilang Coast Guard na hulihin ang mga tinagurian nilang “trespassers.”

Ayon kay Rodriguez, ilegal ang ginagawa ng China  sa loob ng 200 milyang Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ).

Noong 24 Hunyo 2024 naglabas ang China ng utos sa Chinese Coast Guard (CCG) na maaari nilang hulihin ang mga tao at dayuhang barko sa loob ng inaangkin nilang teritoryo.

“This rule has no basis in law. It violates the United Nations Convention on the Law of the Sea and the 2016 arbitral tribunal ruling in favor of our country,” ani Rodriguez.

“How could they claim our people are trespassing in that area not far away from Palawan when Ayungin Shoal is inside our 200-mile exclusive economic zone (EEZ)?” giit ni Rodriguez.

“It is the Chinese who are trespassing in our EEZ. We should be the ones apprehending and detaining them,” aniya.

Anang kongresista, nanggugulo ang China sa West Philippine Sea.

“China is escalating tensions in the South China Sea and disrupting regional peace, stability and prosperity,” ani Rodriguez. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …