Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Matteo Guidicelli Arra San Agustin Ruru Madrid

Kasalang Matteo at Arra magiging madugo

RATED R
ni Rommel Gonzales

IMBITADO ang viewers sa isang madugong pag-iisang dibdib ngayong linggo na ang bride, imbes na all dressed in white, mauuwi pa yata sa duguan ang trahe de boda.

Isa lamang ito sa mga dapat abangan na mga pasabog na handog ng 2024 New York FestivalsBronze Medalist primetime series na Black Rider.

Ang pinakamasayang araw sana ng magnobyong Paeng (Matteo Guidicelli) at Joan (Arra San Agustin), magiging malagim at kalunos-lunos pa. Itutuloy na kasi ni Calvin (Jon Lucas) ang maiitim niyang plano para matigil ang kasal at maubos ang lahat ng mahal sa buhay ni Elias (Ruru Madrid).

Sino-sino kaya ang matitira? Sino-sino ang magiging biktima?

Hindi naman ito palalagpasin ni Elias at gaganti para sa lahat ng maaapektuhan sa madugong kasalan. Ngunit ang katanungan ng marami – sino kaya ang magiging kaagapay niya para suungin ang mga kalaban?

Ngayong nailantad na ang maiitim na balak ni Calvin, hindi maitago ng viewers ang kanilang pagkamuhi at galit sa kontrabida.

“Nakakagigil ka, Calvin, pati na rin lahat ng kasama ng kampon mo!! Pati ba naman sina Paeng at Joan madadamay pa,” anang isang viewer.

“Kung ayaw ni Elias lumuhod sa’yo, ako na lang! ‘Wag mo lang silang patayin,” dagdag pa ng isa.

Curious din ang viewers sa kung sino ang mamamaalam na sa serye.

“Nako, sino na naman kaya ang magpapaalam?,” tanong ng isang viewer.

Gayundin ang katanungan ng isa, “Nakakabitin naman!!! Marami yatang mamamatay pero sino kaya??”

Huwag palagpasin ang pinakamadugong kasalanan ng taon sa Black Rider,  8:00 p.m. sa GMA Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …