Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lala Sotto MTRCB

PVL ipinatawag ng MTRCB, code of ethics babalangkasin

SUPORTADO ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang hakbang ng Premier Volleyball League (PVL) na bumalangkas ng isang code of ethics at mga regulasyon sa disiplina bilang tugon sa isang nag-viral na kaganapan sa isang manlalaro ng Petrogazz na nahuli ng live camera na gumawa ng malaswang galaw sa kasagsagan ng laro.

Ipinatawag ng MTRCB ang pamunuan ng PVL, ang mga prodyuser ng palabas, at mga brodkaster (Nine Media at Cignal TV) para matiyak ang pagsunod nila sa mga pamantayan ng etikal na pagbobrodkast ng kanilang liga.

Nalulugod kami sa MTRCB na ang aming pag-uusap ay nag-ambag sa pagbuo ng isang mas etikal at responsableng sports environment,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.

“Sa loob at labas ng court, hindi lamang sila mga atleta kundi mga huwaran ding halimbawa ng mamamayan na nakai-impluwensiya sa mga batang manonood. Kaya dapat silang maging mas maingat at responsable sa kanilang mga aksyon,” dagdag ni Sotto.

Tinitingala sila ng mga kabataan, kaya dapat silang maging mabuting halimbawa bilang mga atleta. Kapuri-puri ang pamunuan ng PVL sa kanilang aksiyon, dahil sa kanilang paglikha ng sariling code of ethics,” sabi pa ni Sotto.

Inanunsiyo ni PVL Commissioner Sherwin Malonzo na ang liga ay nakagawa ng isang komprehensibong code of conduct, na naglalarawan ng proseso, mga parusa, at mga sanksiyon para sa anumang paglabag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …