Saturday , December 21 2024
2024 CPBA 9-Ball Teams Invitational tournamen

PH versus Taiwan sa 9-ball showdown

NANGAKO ang Team Philippines na magpapakita ng magandang laban sa pakikipagsargohan sa Team Chinese Taipei sa pagtulak ng 2024 CPBA 9-Ball Teams Invitational tournament sa 27-29 Mayo 2024 sa New Taipei City, Taiwan.

Nangunguna sa Filipinas para sa tinaguriang “Asia Supremacy” showdown ay sina Carlo Biado, Johann Chua, James Arañas, Jeffrey Ignacio, at Bernie Regalario.

“We hope to do well in this event. It is big honor to represent the country in the Asia Supremacy billiards match,” ani Biado na nagkampeon sa World 9-Ball Championship sa 2017 at sa World 10-Ball Championship ngayong 2024.

Si Chua ay two-time All Japan Championship winner at miyembro ng Philippine team na nanalo sa 2022 World Team Championship kasama sina Biado at Rubilen Amit. Nanguna rin siya sa 2023 World Cup of Pool kasama si Arañas.

Pinangunahan ni Arañas ang 2019 Super Billiard Expo Championship.

Nanguna si Ignacio sa 2024 Indonesia International 10-Ball Open sa Jakarta, Indonesia na ginanap noong Enero.

Si Regalario ay naging runner-up kay Biado sa 2nd Chinese Taipei Open 9-Ball Pool Championship na ginanap noong Enero. Naging tanyag din siya matapos niyang talunin si world No.1 Francisco Sanchez Ruiz ng Spain, 5-4, sa Premier League Pool sa Connecticut, United States noong 19 Marso 2024.

Ang Chinese Taipei, sa kabilang banda, ay maglalagay ng solidong koponan na binubuo nina Ko Ping Chung, Chang Jung Lin, Chang Yu Lung at Wu Kun Lin at Ko Pin Yi, na nanalo ng tatlong world title noong 2015, kabilang ang World Ten-ball Championship kung saan tinalo niya si Biado sa finals, 11–9.

Ang Team Philippines ay suportado nina JR Velasco at Marvin Paringit ng Marboys Billiards.

“Handa na silang lahat,” sabi ni Velasco.

Ang mananalong koponan ay makakukuha ng $15,000 at ang natalong koponan ay mag-uuwi ng $7,500 sa 9-ball tournament na punong abala ang Fullcan Sports at Marboys Billiards.

“It will be tough but we will try our best,” dagdag ni Paringit. “Iyon ang hamon natin.”

Ang Chinese Taipei Team ay suportado nina Marvin Wang at Jackie Ku ng CPBA at Fullcan Sports.

Ang Fullcan Sports ay isang subsidiary ng CPBA Group, pangunahing responsable sa pagho-host ng mga international billiards event.

Ang Marboys Billiards naman ang humahawak at namamahala sa karera ng mga manlalaro ng pool mula sa Filipinas.

Ipadadala ng Marboys Billiards ang mga manlalaro nito sa World Pool Championship sa Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia sa 3-8 Hunyo; ang China 9-ball tournament mula 28 Hunyo hanggang 5 Hulyo sa China; at ang Bandung Indonesia sa 10-14 Hulyo. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …