Tuesday , May 6 2025
Bulacan Police PNP

2 durugista, 6 wanted, swak sa hoyo

Dalawang durugista at anim na wanted na mga kriminal ang sunod-sunod na inaresto ng pulisya sa Bulacan sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa kamakalawa.

Nagresulta ang ikinasang buybust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Rafael at Obando Police MPS, sa pagkaaresto ng dalawang durugista na naaktohan sa paggamit at pangangalakal ng ilegal na droga.

Nasamsam sa operasyon ang 1.4 gramo ng shabu na may Standard Drug Price (SDP) P9,240, iba’t ibang drug paraphernalia, at buybust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakompiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek ay inihahanda para sa pagsasampa sa korte.

Samantala, nagsagawa ng manhunt operation ang tracker teams ng Meycauayan, Marilao, Pandi at San Jose Del Monte C/MPS na nagresulta sa pagkakaaresto ng anim na wanted person.

Kinilala ang mga arestadong akusado na may kasong Pagnanakaw; alyas Charlie, Attempted Homicide; alyas Adriano at alyas Reagan, Qualified Theft; alyas John lumabag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000; at alyas Ralph, Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property.

Ang mga naaresto ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/station para sa tamang disposisyon.

Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang tagumpay ng mga operasyong ito ay binibigyang-diin ang kanilang dedikasyon at pagiging epektibo sa paglaban sa mga krimen na may kaugnayan sa droga at pagdakip sa mga nagkasala. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …