Thursday , April 24 2025
SPEEd Outreach 2024

SPEEd Outreach 2024 umabot na sa Nueva Ecija at Aurora

MARAMI na nama ang napasaya at nabigyan ng tulong ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) matapos ang isinagawang taunang outreach program.

Nagtungo ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd sa Nampicuan, Nueva Ecija at Dingalan, Aurora nitong nagdaang Huwebes at Biyernes, Abril 4 at 5, para maghatid ng tulong sa ilang residente roon.

Dumalaw at nagbigay ng cash donation ang SPEEd, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis(Pilipino Star Ngayon at Pang Masa), sa isang parokya sa Nampicuan at sa isang barangay sa Dingalan, Aurora.

Katuwang ng grupo sa pagsasakatuparan ng makabuluhang misyon na ito ang Beautéderm Corporation ni Miss Rhea Anicoche-Tan, at Unilab na wala pa ring sawang sumusuporta sa SPEEd mula noon hanggang ngayon.

Unang binisita ng samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas ang Immaculate Conception Parish Church, Diocesan Shrine of the Holy Face of Jesus, sa Nampicuan. Sa pakikipagtulungan ng Parochial Vicar at Head ng Promotion Committee ng naturang simbahan na si Fr. Renz Valente, nagsagawa roon ng dental mission para sa mga kabataan.

Kasama ang ilang deboto at volunteers, pinangunahan ni Dr. Rex Gaculais ang dental mission na umabot sa 100 estudyante at residente sa Nampicuan ang nabigyan ng libreng dental service.

Nagkaroon din ng Egg Caldo Caravan mula naman sa Magtalas family na binubuo nina Councilor Alvin Magtalas kasama ang kanyang butihing maybahay na si Filipina Magtalas, at ang anak nilang actor-singer na si Beaver Magtalas mula sa Star Hunt.

Kasunod nito, nagtungo naman ang SPEEd sa Dingalan, Aurora upang magbigay ng food goodies at gamot sa isang Dumagat community doon katuwang pa rin ang Magtalas family at si Miss Emily Greyng 428 Mercado Hotel And Resort.

Ang iba pang sumuporta at nagbigay ng donasyon para sa SPEEd Outreach 2024 bukod sa Beautéderm at BlancPro ni Miss Rhea Tan, Unilab at Magtalas family, ay sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado, Ogie Alcasid, Kathryna Pimentel, Cong. Toby Tiangco, at USec. Nina Taduran.

Nais ding pasalamatan ng SPEEd sina Local Water Utilities Administration Chair Ronnie Ong, Noel Ferrer, Wilson Lee Flores, Miss Faye, Leo Dominguez, Igan Foundation, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), Tyrrone James Escalante, Colorete Clothing, Manay Lolit Solis at Mayor Joy Pascual.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas.

About hataw tabloid

Check Also

CinePoP Lover Boy Christian Albert Xian Gaza Joni McNab

Sa CinePOP walang nabibitin,  isang POP tuloy-tuloy ang sarap

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AYAW natinang eksenang gigil na gigil ka na, pero biglang …

Nora Aunor Bongbong Marcos Erap Estrada

PBBM, Erap dumating sa huling gabi ng lamay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ng napakaraming kaibigan, fans, pamilya, at kasamahan ang huling gabi …

Nora Aunor Pagpupugay Ng Bayan

Nora naihatid na sa huling hantungan, ginawaran ng Pagpupugay Ng Bayan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PUNOMPUNO at dinaluhan ng mga kaibigan, fans, kapwa national artists, at …

Hiro Magalona Nora Aunor

Hiro Magalona nalungkot na ‘di nasampal ni Ate Guy

MATABILni John Fontanilla NALUNGKOT ang aktor na si Hiro Magalona sa pagpanaw ng  nag-iisang Superstar Nora Aunor. Isa …

Pilita Corrales Pope Francis Nora Aunor Hajji Alejandro

Panalangin sa walang hanggang kapayapaan kina Pope Francis, Nora, Hajji 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang kalungkutang nadarama sa showbiz. Una si Pilita Coralles na hindi pa …