Monday , December 23 2024
Stab saksak dead

Sa Lucena City, Quezon
NEGOSYANTE PATAY SA SAKSAK NG DATING TAUHAN

 

Binawian ng buhay ang isang 66-anyos na negosyante matapos saksakin ng kaniyang dating tauhan nitong Huwebes Santo, 28 Marso, sa lungsod ng Lucena, lalawigan ng Quezon.

 

Kinilala ng pulisya nag biktimang si Andres Derota, 66 anyos, isang negosyante.

 

Ayon sa imbestigasyon, hindi sinasadyang nagkasalubong ang biktima at suspek na kinilalang si Christian, dating boy sa tindahan ni Derota.

 

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang pagkikita ng dating mag-amo hanggang sa bumunot ang suspek ng patalim sa kanyang bulsa saka inatake ang biktima.

 

Sinubukan pang tumakbo palayo ni Derota ngunit nahabol at naabutan siya ng suspek saka ilang beses pinagsasaksak ng kutsilyo sa kaniyang katawan.

 

Tumakas ang suspek habang dinala sa pagamutan ang biktima kung saan siya tuluyang pumanaw.

 

Kasalukuyang tinutugis pa din ng pulisya ang suspek upang sampahan ng mga nararapat na kaso.

 

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …