Saturday , April 19 2025
30 bolang ginamit sa FIBA Qualifiers, ipinagkaloob sa Pasay LGU

30 bolang ginamit sa FIBA Qualifiers, ipinagkaloob sa Pasay LGU

NAG-DONATE kahapon, 20 Marso 2024, ng 30 bola ang Samahang Basketbolista ng Pilipinas (SBP) sa lokal na pamahalaan ng Pasay City, bilang suporta sa programang pampalakasan ng siyudad.

Ayon sa pamunuan ng SBP, hindi ordinaryong bola ang ipinagkaloob sa Pasay LGU dahil ginamit ang mga ito ng mga bigating international at NBA players noong 2019 FIBA Qualifiers na idinaos sa bansa.

Layon umano nitong bigyan ng inspirasyon ang mga kabataang Pasayeño na pag-ibayuhin ang interes at pagmamahal sa sports.

Personal na tinanggap ni Bb. Le-Anne Calixto Rubiano ang donasyon bilang kinatawan ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano. Naroon din sa simpleng turnover sina City Administrator Atty. Peter Manzano at Chief of Staff Eric Peter Pardo. (EJ DREW)

About hataw tabloid

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …