Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jasmine Curtis-Smith A Glimpse Of Forever

Jasmine na-enjoy ang pagmumura sa pelikula

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI nakasama si Jasmine Curtis-Smith sa ate niyang si Anne Curtis nang magtungo sa Melbourne, Australia para manood ng concert ng American Pop Superstar, Taylor Swift, ang The Eras Concert Tour.

Mismong birthday nitong February 17 noong nanood si Anne ng concert ni Taylor at naiwan si Jasmine sa Pilipinas dahil ongoing pa rin ang taping para sa GMA series na Asawa Ng Asawa Ko na pinagbibidahan nila nina Rayver Cruz kasama sina Joem Bascon at Martin del Rosario.

Okay lang ‘yun kasi doing well naman ang ‘Asawa Ng Asawa Ko,’l pakli ni Jasmine bilang pagtukoy sa mataas na ratings ng kanilang Kapuso serye.

Ano ang birthday wish ni Jasmine para kay Anne?

Of course for her family to always be happy and abundant in love and good health.”

Ipalalabas sa mga sinehan ang A Glimpse Of Forever sa March 6 na pagbibidahan ni Jasmine para sa Viva Films.

Sa naturang pelikula ay magmumura ng wagas si Jasmine na ngayon lamang niya nagawa dahil bawal magmura sa telebisyon.

Oo eh, bawal talaga sa teleserye,” bulalas ni Jasmine. “Masarap, masarap magmura kapag pelikula kasi mas free ang scope of language mo.

“Pero may mas matindi pa akong ginawa in the past, sa ‘General Admission,’ talagang P.I! Ganun.”

Pelikula noong 2021 ang General Admission nina Jasmine at JC de Vera.

Dagdag pa ni Jasmine, “Pero ito it’s nice kasi gusto talaga ni direk JP dito malutong, ‘yung parang nawala ‘yung form ng pagkababae niya.”

Sa A Glimpse Of Forever ay si Glenda si Jasmine. Idinirehe ito ni John Paul Laxamana male lead stars naman sina Jerome Ponce bilang Dante at Diego Loyzaga bilang Kokoy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …