Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Dizon Carmina Villarroel

Carmina-Allen tandem hanggang pelikula na

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULA sa small screen ng telebisyon ay tuloy na ang pagtawid sa big screen ng tambalan nina Allen Dizon at Carmina Villarroel.

Tuloy na tuloy na ‘yung Canada namin,” kuwento sa amin Allen. Sa Canada kukunan ang pelikula nila ni Carmina.

Lahad pa ni Allen, “Sana, sana, June or July, iyon ang target nila.”

Sikat ang loveteam nina Allen at Carmina bilang Carlos at Lyneth sa Abot Kamay Na Pangarap ng GMA kaya naman naisipan ng BG Productions International na igawa sila ng pelikula.

Kinumusta namin kay Allen ang working relationship nila ni Carmina.

“Actually before pa naman talagang close kami ni Mina eh, kahit na sa ‘Doble Kara,’” banggit ni Allen sa seryeng pinagsamahan nila ng aktres sa ABS-CBN noong 2015. 

“Tapos ngayon, lalo na kasi siyempre kami ‘yung mag-asawa rito sa, so siyempre mas madaling magtrabaho kapag komportable ka sa kaeksena mo and mas komportable ka kapag in real life close kayo.”

Samantala, good news sa mga masugid na sumusubaybay sa serye, dahil extended ito hanggang Abril ayon na rin sa tsika sa amin ni Allen.

“Pero hindi pa nila masabi kung hanggang doon lang talaga.

“Pero actually ang target nila abutin ng September para two years. Iyon ang gusto nilang ma-achieve.”

At habang nae-extend ang show nila ay lalong dumarami ang nagagalit sa kanya bilang si Dr. Carlos Benitez.

“Okay lang naman, ibig sabihin effective ‘yung ginagawa ko,” pakli ni Allen.

Pero kung June o July ang shooting ng pelikula nila ni Carmina sa Canada, paano ang taping nila ng serye kung mae-extend ito hanggang September?

“Doon natin malalaman kung papayagan kami for just two weeks or ten days,” sagot ni Allen.

Inihahanap na rin ng playdate ang pelikula nila ni Katrina Halili na AbeNida na tapos na ring i-shoot.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …