Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim, Kim Chiu, KimXi

Xian sa hiwalayan nila ni Kim — Everything happens for a reason, just have to move forward 

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL siya ang male lead sa Love. Die. Repeat. na bagong serye ng GMA, tinanong si Xian Lim kung kapag nawala ang isang pagmamahal, may posibilidad ba na mag-“repeat” ang pag-ibig?

Lahad ni Xian, “I think in life, everything happens for a reason. ‘Yun lang naman po iyon.

“Hindi man umulit o umulit man, everything’s gonna happen for a reason.” 

Bukas na libro sa lahat na hiwalay na sina Xian at Kim Chiu, kaya natanong naman ang una kung open ba siya na magmahal uli sa isang dating karelasyon.

Lahat nga po na mga pangyayari sa buhay, eh it happens for a reason. So, we just have to move forward kung ano man po ‘yun.

“Dapat naman talaga okay. We just got to work. People working.

“’Yun naman ‘yung gusto natin, work on yourself and just keep on doing different things, doing different projects, keeping busy.”

Hindi na sinagot pa ni Xian ang ibang mga katanungan sa kanya tungkol sa ex-girlfriend niya.

Lahad pa niya, “Katulad nga po ng paulit-ulit ko pong sinasabi, lahat naman po ng bagay sa buhay natin nangyayari for a reason.

“Hindi man natin alam kung ano ‘yung rason na ‘yun, ngayon, ‘yun po, all we have to do is to move forward for whatever it is.”

Samantala, eere na ito simula sa January 15, Lunes, 8:50 p.m. sa GMA Prime na kasama rin sina Mike Tan, Ina Feleo, Valeen Montenegro, Valerie Concepcion, Ervic Vijandre, Shyr Valdez, Faye Lorenzo, Victor Anastacio, Nonie Buencamino, Malu de Guzman, at Samantha Lopez.

Sa ilalim ito ng direksiyon nina Jerry Sineneng at Irene Villamor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …