Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeri Gusto Kita

Gusto Kita music video ni Jeri nakakikilig

HARD TALK
ni Pilar Mateo

THERE’S a new kid on the block. Ang guwapo. At ang husay kumanta.

Jeri Violago.

Ginawan ng kanta ni Vehnee Saturno. Ang Gusto Kita na napakikinggan na sa sari-saring streaming platforms. Hatid ng Tarsier Records label ng ABS-CBN.

At ang cum laude ng Ateneo de Manila ay kinagigiliwan na dahil napakikinggan na rin sa WishFM 107.5,Star FM, WinFM 91.5.

At kinabukasan matapos ngang mailunsad sa isang hotel ang kanyang single, alas diyes ng umaga eh, naulinigan ko na ang kakilig niyang kanta sa Energy 106.7.

May kawangki si Jeri. Napapagkamalan siyang si Matteo Guidicelli. Hindi naman ito iniiwasan ni Jeri dahil pagdating naman ng panahon ay makikilala rin siya ng mga tao sa taglay niyang talento sa pag-awit.

Kaya nga kahit marami na ang nagtutulak sa kanya para pasukin na rin ang larangan ng pag-arte, Jeri admits that this has to take a backseat at magko-concentrate muna siya sa unang pinangarap.

Very supportive ang pamilya ni Jeri sa kanya simula sa kanyang mother dearest na si Mommy Chiqui hanggang sa Daddy at mga kapatid niya.

Lalong kinilig ang press nang mapanood ang music video ng kanta. Ang naging kapareha ni Jeri sa ginawang istorya ng Gusto Kita ay ang isa sa It’s Showtime co-host na si Ate Jackie.

Kakilig ang video. Na may kurot sa gitna. At bumawi sa dulo.

Sa suporta rin ng mga tao sa likod ng nasabing label na sina Jonathan Manalo at Roxy Liquigan, kasama na ang songwriter na si Vehnee, napakalaki ng tiwala nila kay Jeri. Na simula lang ito ng mas marami pang kantang kakikiligan sa kanya ng madla. At ang malaking pananampalataya sa kanya ng manager na si tita Emie Domingo (na pagdating sa musika knows a singer when she sees and hears one!)

Naglaro na nga sa isip ng press na siguro, magandang magkaroon ng collab si Jeri at ang misis ni Matteo na si Sarah Geronimo. Sa kanta. O maski pa sa concert.

At lalo pang mamahalin ng fans si Jeri kapag nalaman nilang wala pa silang magiging kahati sa puso nito.

Gusto kita… ang inilagay ko sa post-it-note sa photo wall niya?

…Kasi, alam kong sisikat ka! Abangan niyo ‘yan! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …