Sunday , May 11 2025
Kent Francis Jardin, Denmark Dacunes Christine Guergio ROTC Games
Mga nagwagi ng gintong medalya sa athletics event (mula sa kanan) Kent Francis Jardin, Denmark Dacunes at Christine Guergio (#0924) ng National Capital Region leg ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) Games na ginanap sa Philsports Track oval sa Pasig City. (HENRY TALAN VARGAS)

Jardin, Dacunes at Guergio, wagi sa ikalawang ginto sa ROTC Games

Iniuwi nina Kent Francis Jardin, Denmark Dacunes at Christine Guergio ng Adamson University – Philippine Navy ang tig-dalawang gintong medalya matapos pamunuan ang mga nagwagi sa ikalawang araw ng athletics event ng National Capital Region leg ng Reserve Officers Training Corps Games sa PhilSports Track Oval sa Pasig City.  

Pinamunuan ng 19-anyos na 1st year Bachelor of Sports Science at UAAP Season 85 Athletics MVP na si Jardin ang Adamson-Army sa pinakamabilis na oras na 44:50s sa 4×100 para iuwi ang kanyang ikalawang ginto sa kompetisyon na para sa mga kadeteng atleta sa sangay ng militar na Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy.

Kasama ni Jardin na nagwagi sina Denmark Dacunes, Ralph Anthony Lego at Alexander Padilla.

May pagkakataon pa si Jardin na makapagwagi ng ikatlong ginto sa pagtuntong ng Adamson sa 4×400 finals.

Hindi naman nagpaiwan ang kakampi nito na si Guergio sa pagwawagi sa women’s 100m nitong Martes sa oras na 28:02 para sa kanyang ikalawang gintong medalya.

Una nang umusad sa kampeonato ang koponan ni Guergio matapos na tanging makabuo ng apat kataong koponan.

Ang 18-anyos na 1st year BSS student na si Guergio, na nagwagi din ng apat na ginto at 1 pilak sa UAAP Season 85, ay nais na mapasama sa national team sa tulong ng torneo at maging coach ng athletics sa kanyang pagtatapos.

Nagwagi din ng dalawang gintong medalya ang miyembro ng Soaring Falcons na si Denmark Dacunes na inangkin ang gintong medalya sa 100m sa bilis na 11:20s.

Ang iba pang nagwagi sa 100m ay ang 21-anyos na si Bernadette Batoy, na 2nd year BPED sa Rizal Technological University sa itinala nito na 14:07 at ang kakampi na 20-anyos na 1st year Mechanical Engineer na si Arturo Ocana sa tiyempo na 14:01 para sa sangay ng Army.

Wagi din ang 19-anyos na si Jovelyn San Ramon, 1st year BS Criminology, sa St. Jude College-Manila sa oras nito na 14:10 segundo habang wagi si Brendan Dan Azer Ysulan ng PATTS ay inangkin ang unang ginto nito sa oras na 13:58 segundo para sa Air Force division. (PSC-PCO Public Communications Office)

About Henry Vargas

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …