Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine ROTC Games Luzon Leg

Philippine ROTC Games Luzon Leg simula na

TAGAYTAY CITY— Pinangunahan ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang matagumpay na pagbubukas ng Philippine ROTC Games (PRG) Luzon Leg na ginanap sa Tagaytay City noong Linggo.

Ang pinakamalaking regional tournament ng PRG ngayong taon ay sinalihan ng iba’t ibang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) units mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, at Region 5.

Ipinakita ni Tolentino ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga kalahok na paaralan, ang iba ay nagmula pa sa Cordillera Region at lalo na sa mga pribadong institusyon.

Ang kasamang mambabatas ni Sen. Tol na si Sen. Bong Go ay dumalo sa kaganapan bilang pangunahing tagapagsalita.

Ang PRG Luzon Leg ay susundan ng National Capital Region (NCR) leg sa Oktubre 8 hanggang 14 at ang National Championships mula Oktubre 22 hanggang 27 na gaganapin sa Marikina City.

Ang ROTC Games ay brainchild ni Sen. Tolentino na may bisyong palakasin ang pagkamakabayan at pagbuo ng bansa sa mga Pilipino.

Nagbigay ng mensahe ang pasimuno ng ROTC Games, Senator Francis “Tol” Tolentino kasama sa mga panauhin na nagpahayag ng mensahe sina Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann, Dr. Hernando Robles President, Cavite State University, CHED Secretary Popoy De Vera,Chairman of the Senate Committee on Sports, Senator Chistopher Lawrence “Bong” Go bilang Pangunahing tagapagsalita at Mayor of Tagaytay at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino. (HENRY TALAN VARGAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …