Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sara Duterte 1st Phil Reserve Officers Training Corps ROTC Games
PANAUHIN si Vice President Sara Duterte at Department of Education (DepEd) Secretary, panauhing pandangal at tagapagsalita ng event  ng  1st Philippine Reserve Officers’ Training Corps Games (PRG) 2023 - Mindanao Leg na ginanap sa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex, Zamboanga City. Iniabot ni Senator Francis Tolentino, Honorary chairman ng (PRG) ang torch kay Albert delos Santos two-time gold medalists sa Weightlifting sa Asian Youth Championships at syang nagsindi ng Cauldron sa pagsisimula ng torneo. (HENRY TALAN VARGAS)

1st Phil. Reserve Officers Training Corps Games

ZAMBONGA CITY — Inaasahang mainit ang bakbakan sa 1st Philippine Reserve Officers’ Training Corps Games (PRG) 2023 – Mindanao Leg ngayong araw sa Zamboanga City.

Hindi magpapaawat ang mga atletang kalahok na ipakita ang kanilang determinasyong manalo sa pitong sports tulad ng Atheltics, Kickboxing, Volleyball, Arnis, Boxing, Esports at Basketball.

Ilalarga sa Day 1 ngayong araw ang athletics, kickboxing at volleyball at dahil sa dami ng atleta na tinatayang nasa 1,300 ang magpapaligsahan na ROTC cadets at units mula sa iba’t-ibang colleges at universities.

Ayon kay Sen. Francis Tolentino ang brainchild ng nasabing tournament, pinag-uusapan na nila ang pagdagdag ng iba pang event upang mas mapalawak pa ang sports competition.

Samantala, umabot sa mahigit 13,000 ang sumaksi sa opening ceremony na ginanap sa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex kahapon.

Maliban kay Tolentino, dumalo sa pagbubukas ng event sina Vice President at Education Secretary Sara Duterte at Mayor John Dalipe.

“Maaga pa lang succesful na ito with the presence of the vice president a while ago it’s a resounding success kailangan na lang ma execute yung iba-ibang sports competition. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …