Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Adrian Alandy

Adrian Alandy walang takot kamuhian ng netizens

RATED R
ni Rommel Gonzales

SALBAHENG mayor ang ginagampanan ni Adrian Alandy sa Magandang Dilag. Siya si  Magnus.

“Oo, extremist ako rito. Actually, noong pinresent sa akin ‘yung story, sobrang extremist niyong character.

“‘Yung pagiging masama niya, sa trailer medyo light pa ‘yun, ‘yung pinagawa sa akin sa… pumapatay, nagpapapatay, nagpapa-torture, ‘yung mga misdealing ng mga business.

“Pero wala namang… nakalatag lahat doon eh, ‘yung role na pinag-aralan ko rito is ‘yung mga ano pa, mga 1900,” sinabi ni Adrian.

Walang takot si Adrian na baka kamuhian siya ng mga tao dahil sa role niya o baka may mag-react na politiko sa kanyang karakter.

“Hindi naman siguro. ‘Di ba mas effective,” at tumawa ang aktor. “At least alam naman nila na ano lang ‘to.”

Wala siyang fear na ganoon?

“Wala naman, kasi extremist eH, hindi naman siya…parang hindi na nga tao talaga ‘yung ginagawa ko eH, [pero] may human side siya in a way, noong na-in love siya.”

Ito na ang pinakasalbahe niyang role ever?

“I think ito ‘yung pinaka-extreme, hindi ito ‘yung pinakasalbahe, ito ‘yung pinaka-extreme, kasi every time na magte-taping minsan stressful dahil ‘yun nga puro masama ang ginagawa ko. Kaunti lang talaga ‘yung mabait eh, I mean mabuting ginagawa ko sa series, parang ilang weeks lang ‘yun na medyo tamed ‘yung character. 

“Pero every time very ano siya, kaso rito hindi lang ‘yung killer ‘yung may pinagdaraanan eh. Ito kasi political eh, very powerful ang tingin niya sa sarili niya kaya ano siya, walang low points.”

Bida sa Magandang Dilag si Herlene Budol bilang si Gigi kasama sina Benjamin Alves (Eric) at Rob Gomez(Jared) na leading men niya.

Nasa cast din sina Maxine Medina bilang Blaire, Bianca Manalo bilang Riley, Angela Alarcon bilang Allison, Muriel Lomadilla bilang Donna, Prince Clemente bilang Cyrus, at Jade Tecson bilang Jadah.

Kasama nila ang mga batikang artista na sina Al Tantay bilang Joaquin, Chanda Romero bilang Sofia, at Sandy Andolong bilang Luisa. 

Idinidirehe ito ni Don Michael Perez, napapanood tuwing 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits.

Ang mga Global Pinoys naman ay maaaring panoorin ang programa via GMA Pinoy TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …