Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lapus Jake Cuenca Sue Ramirez

Sweet mas feel magdirehe — baguhan pa lang kasi ako

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAS nakapokus ngayon si John ‘Sweet’ Lapus sa pagdidirehe, ang latest na proyekto niya ay ang Jack And Jill Sa Diamond Hills nina Jake Cuenca at Sue Ramirez.

Kilala ring artista bilang komedyante si Sweet sa pelikula at telebisyon, kaya tinanong namin siya, kung sakaling may offer na sabay darating sa kanya, ang isa ay bilang artista at ang isa ay bilang direktor, ano ang tatanggapin niya?

Oh my God, sabay io-offer?

“Oh, oh my God! Anyway, artista pa rin po pala ako so… hindi naman po araw-araw ang taping nitong ‘Jack and Jill,’ puwede pa po akong mag-guest.

“Pakisabi niyo po sa mga producer. Star Magic pa rin po ang management ko, pareho po kami ni Jake ng handler at manager, si Allan Real po, kami pong tatlo Star Magic po kami,” sabay-turo sa mga katabi niya during the mediacon na sina Jake at Sue.

“Tawag po kayo, puwede pa po ako,” ang birong-totoong panawagan ni Sweet.

“Oh my gosh, siguro kung sabay? Siguro ang magiging dahilan ng pagpili ko is the material.

“You have to understand ang tagal ko nang artista, almost 30 years na akong artista, so kung nagawa ko na ‘yung role na ‘yun medyo mas doon ako sa… mas pipiliin ko ‘yung magdirehe na most likely dahil nga baguhan pa lang akong direktor hindi ko pa nagawa kung ano man ‘yung ididireheng iyon.

“To think na mas mataas ang talent fee ko as an artista kompara as a director, pero to answer your question mas pipiliin ko ‘yung  hindi ko pa nagawa.”

Ang Jack and Jill Sa Diamond Hills ay mula sa TV5APT Entertainment, at Cignal TV at napapanood sa Kapatid Network, Linggo, 6:00 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …