Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Dizon

Sunshine masayang nakabalik sa GMA 7

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA si Sunshine Dizon na pagkatapos nitong umalis pansamantala sa kanyang home studio, ang GMA 7 at mag-ober da bakod sa ABS-CBN at mapasama sa dalawang teleserye ay muli itong nagbalik sa Kapuso Network.

Napapanood nga si Sunshine sa teleseryeng pinagbibidahan nina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at Kylie Padilla, ang Mga Lihim ni Urduja na napapanood sa Kapuso Primetime.

Ilang beses din namang  inalok si Sunshine ng GMA para mapasama sa kanilang bagong bubuksang teleserye, pero hindi ito tinatanggap, dahil may bago itong negosyong binuksan at gusto niya itong tutukan. 

Pero nang makaluwag- luwag ang schedule ay umokey naman na inalok siya ng GMA 7 na mapasama sa Mga Lihim ni Urduja na agad namang tinanggap ng seasoned actress.

Marami ngang mga tagahanga ng aktres ang natuwa na makitang muli sa kanyang original home studio at umaasang after ng serye ay may mga next project ito sa Kapamilya Network.

Ilan sa mga hit teleserye na ginawa ni Sunshine sa GMA ay ang Bakekang, Ika-anim na Utos, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Kung Mawawala Ka, Umulan Man o Umaraw,   Encantadia, Impostora, La Vendetta, Magkaagaw. atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …