Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arra San Agustin Raphael Landicho Randel Amos Ynares

Reyna ng Santacruzan sa Binangonan sa Mayo 7 na

ITINUTURING na mayaman sa kultura at tradisyon ang bayan ng Binangonan, Rizal. At ang isang kaugaliang hindi kinalimutan ng mga taga-Binangonan ay ang paggunita at pagkakatagpo sa Mahal na Krus sa Brgy. Libid, na roon matatagpuan ang kalbaryo na lalong pinaayos at pinaganda. 

Sa ngayon, nagsisilbing pasyalan ito ng mga local at dayuhang turista para sa siyam na araw ng panalangin (lutrina) bilang parangal sa krus.

Ang pagdiriwang na ito ay inumpisahan ng mga Kastila sa bansa at dahil naging bahagi ng tradisyong Pinoy, taon-taon na itong upinagdiriwang. At ngayong taon, ito ay may temang Kabataan, Pag-ibig at Pasasalamat.

Gaganapin ang pagdiriwang ito sa Mayo 7, 2023, 7:00 p.m. na magkakaroon ng Grand Santacruzan tampok ang magandang Kapuso aktres na lumalabas sa Happy ToGetHer at Urduja, si Arra San Agustin, bilang Reyna Elena

Sina Raphael Landicho na kasama sa Voltes V ay kabilang din sa Santacruzan bilang si Haring Konstantino at si Randel Amos Ynares, miyembro ng Binangonan Lakehounds Basketball Team, ang konsorte ni Arra.

Ayon sa Event Consultant na si Gomer Celestial, gagamitin ni Arra ang gown na likha ni Eboy Visande at si Michael Ponce naman ang para kay Raphael.

Panata ang turing sa Santacruzan ayon kina Brgy. Chairman Gil “Aya” Anore at Kgd. Jennelyn Villegas, chairman on Education, Culture and Tourism.

Magbibigay kulay din sa pagdiriwang sina Jamie Margaret M. Lagarejos bilang Reyna Elena I at Catherine Ojeda, Reyna Emperatriz. Sa gabi ng pagdiriwang ay pipili rin ng magiging Reyna ng Santacruzan 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …