Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Alejo

Elijah emosyonal inaming nahirapan noon sa pagiging breadwinner

RATED R
ni Rommel Gonzales

DERETSAHAN at emosyonal na ipinahayag ni Elijah Alejo ang kanyang hirap nang itaguyod niya ang kanyang pamilya, lalo nang magka-cancer ang kanyang ina na isang single mother. Naganap ito sa Fast Talk with Boy Abunda na tinanong ni Tito Boy Abunda si Elijah tungkol sa kanyang buhay at ang kanyang ina na isang single mother.

Hindi po ako magsisinungaling, it’s really hard po.

“Kasi at a young age po nagka-cancer po si mom. Kumbaga po, ako ang breadwinner ng family. At a young age, alam ko na po ‘yung responsibilities ko, na kailangan kong magtrabaho, not only for me, for my expenses, for my education.

“Kasi pati ‘yung pagpapagamot ng mom ko, sa akin, and ‘yung bayad ng bahay kasi nagre-rent kami,” kuwento ni Elijah.

At ayon pa sa Underage actress wala namang masama sa pangungupahan ng tirahan.

Buong katapatan ding inamin ni Elijah na umabot siya sa puntong napatanong siya kung bakit wala siyang tatay.

Bakit wala ka noong kailangan kita?’

“I’m proud po na nakatutulong po ako. Kapag nakikita ko po ang classmates ko noon na sinusundo ng fathers nila, sa akin parang, ‘Bakit ako wala?’

“Hindi naman sa hindi ako grateful na si mom ang nag-alaga sa akin. Pero there is a side of me na curious.”

Tinanong ni Tito Boy si Elijah kung ano ang gusto niyang itanong sa kanyang tatay, tanong na galing sa kanyang puso.

Bakit wala ka noong kailangan kita, noong kailangan ka namin?” ang madamdaming isinagot ni Elijah.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …