Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yeng Constantino

Yeng umaming napraning sa dami ng naghihiwalay

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ISANG kontrata na naman ang nilagdaan ng Pop Rock Superstar na si Yeng Constantino bilang opisyal na Global Ambassadress ng award-winning at popular na music school.

Dumalo sa okasyon ang President and Founder ng music school na si Priscila Teo, ang Cornerstone Entertainment Vice President na si Jeff Vadillo, at ang mga shareholder na sina Jonathan Manalo, Rox Santos, Jacinto Gan Jr., at Benedict Mariategue.

Noong 2013, si Yeng ang kumatawan sa Pilipinas sa then-franchise ng music school bilang country-exclusive ambassadress sa pagsisimula ng ilang taong operasyon nito. 

At matapos ang 10 taon, muling niyakap with open armssi Yeng. Pero mas may mabigat na papel na iniatang sa kanyang balikat. 

Blooming pa rin ang misis ni Yan (Victor Asuncion). Na laging nagpapangiti sa bawat araw nito.

Ilang taon din palang napraning si Yeng sa pagsasama nila ng asawa. Na siya lang naman daw ang gumawa sa sarili niya.

“Kasi, dumating ‘yung time na ang daming naghihiwalay. Tapos, aware ako roon sa tinatawag na seven-year itch. Talagang nasa isip ko ‘yun. Na kailangan malampasan namin. Pressure na ginawa ko sa sarili ko. Kaya noong naka-eight year anniversary na kami, talagang panay na panay ang pasasalamat ko sa asawa ko. At salamat kay Lord for that. Dahil nagabayan din kami.

“Sa umpisa, siyempre nagdi-discover pa lang kayo sa mga bagay about each other. Ang mga away o tampuhan hindi naman nawawala. And we have learned na kapag mataas na ‘yung init ng ulo o galit ng isa, dapat na talaga manahimik na muna o magpakumbaba ‘yung isa.

“Yeah, umabot din kami sa point na nagpapa-therapy kami. At wala naman kaming nakitang masama roon. Kasi it helped. Na kung kailangan may makausap o isangguni ito, it doesn’t mean na may masama na sa mga nangyayari. Guidance ‘yun!”

Mula pa nang magsimula si Yeng bilang isang mang-aawit at kompositor ng mga kanta, nasa puso na niya na makatulong pa rin sa mga kabataang gaya niya na nangarap para makapagbahagi ng musika.

At sa mas mabigat na papel na gagampanan niya ngayon, doon pa rin itutuon ni Yeng ang kanyang ibubuhos na atensiyon.

Mas higit pang inspirado ang nananatiling isa sa lodi ng mga kabataang hindi magbaba-bye sa paghanga sa kanya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …