Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillantes Ms Glenda Brilliant Skin Essentials

Andrea Brillantes pinakamakinang na endorser ng Brilliant Skin Essentials

MA at PA
ni Rommel Placente

NGAYONG gabi na mapapapanood sa Araneta Coliseum ang concert ni Ms. Glenda, ang CEO at lady boss ng Brilliant Skin Essentials billed as Pinakamakinang: The Brilliant Concert 2023.

Makakasama rito ang Brilliant Skin ambassadors na sina Seth Fedelin, Zeinab Hanake, Jillian Ward, at Andrea Brillantes.

Kasama rin sa pinakamakinang na performers sina Alden Richards,Jona, Morisette Amon. Adie,Mayonaisse, Kamikazee, Drag Queens, at ang Pop-Rock icon na si Bamboo.

Special guests din sina Ms. Korina Sanchez at Sen. Raffy Tulfo.

Magsisilbing hosts naman sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, MC, Lassy, at Sam YG.

Sa tanong kay Ms kung sino sa mga endorser ng Brilliant Skin ang maituturing niyang pinakamakinang, since ito ang title ng concert niya, ang sagot niya, “I think it’s Andrea Brillantes. Sobrang love na love ko ‘yang batang ‘yan.

“Sobrang ate talaga ang turing niya sa akin. And grabe siyang magmahal. And grabe siyang maka-apperciate. 

“For example, magsa-sign siya ng contract o kasa-sign niya lang, palaging ‘Ma’am Glenda, thank you kasi nakabili ako ng bahay, nakabili ako ng sasakyan. So, ganoon siya.

“Kasi noong kinuha ko siya, ‘Kadenang Ginto’ days,siguro bago pa lang din nagsisimula ‘yung journey niya sa pag-angat, and nakasabay ko siya throughout her jouney. 

“So parang lagi siyang thankful.

“And siyempre gusto ko rin palang mag-thank you kay Mama Marbeth, kasi siya ‘yung make-up aritst ni Blythe (tawag kay Andrea) na ngayon ay make-up artist ko na rin and friend ko. Siya ‘yung nagpakilala sa akin kay Blythe.

“Sobrang bagay kay Blythe (na maging ambassador) kasi Brilliant Skin, Brillantes.

“Pinapirma ko siya ng five years pa (na kontrata). So, matagal pa kaming magsasama ni Andrea.”

Gaano na ba kayaman ang isang Ms. Glenda?

Ang hirap naman pong sagutin ang tanong na ‘yan,” natatawang sagot ni Ms. Glenda.

Patuloy niya, “Pwede na po akong magpahinga. Pwede na po akong hindi magtabaho pati ang buong pamilya ko.”

So, base sa naging sagot ni Ms Glenda ay super yaman na talaga siya, ‘di ba? Na kahit hindi na siya magtrabaho ay hindi mauubos ang pera niya. Bongga siya!

Ang Pinakamakinang concert ay pasasalamat ng kompanya sa kanilang Brilliant Skin Essentials loyal users, friends, resellers, distributors, at franchisees para sa kanilang suporta sa kanilang lumalaking pamilya. Importante na malaman ng lahat na ang nasabing concert ay libre para sa kanila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …