Monday , December 23 2024
Illegal mining ops sa Sibuyan ipinatigil

Illegal mining ops sa Sibuyan ipinatigil

MATAPOS magkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga pulis at mga residente ng Isla ng Sibuyan na nagpoprotesta laban sa ilegal na pagmimina, sinabi ng Alyansa Tigil Mina (ATM), ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Altai Philippines Mining Company na pansamantalang itigil ang kanilang operasyon.

Ayon sa grupo, nagkaroon ng dialogo ang mga residente ng Sibuyan, sa pangunguna ni Rodne Galicha, isang environmental defender, at ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Government, DENR, mga kinatawan ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC), at iba pang lokal na opisyal.

Ani Galicha, inutusan ang kompanya na itigil ang pag-develop sa lugar at ang mga hindi kinakailangang aktibidad na lalong nagpapalala ng sitwasyon dito.

Dagdag ng ATM, binigyan ang APMC ng notice of violation dahil bigong magpakita ng Environmental Compliance Certificate (ECC) at nahuling nagpuputol ng puno nang walang kaukukang permiso.

Pahayag ni ATM National Coordinator Jaybee Garganera, dahil sa pagpupursigi ng mga mga residente ng Sibuyan, nabatid ng DENR na apat ang ginawang paglabag ng APMC.

Aniya, ito ay maituturing na tagumpay ng mga residente ng Sibuyan laban sa mapinsalang pagmimina.

Ayon sa ATM, ang mga sumusunod ang ginawang paglabag ng kompanya: paglabag sa Presidential Decree No. 1067, Water Code of the Philippines; DENR Department Administrative Order 2004-24, Foreshore management; Presidential Decree No. 1586, Environmental Impact Statement System; Presidential Decree No. 705, Revised Forestry Code of the Philippines.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …