Sunday , December 22 2024

Bangayan sa AFP ikinabahala sa Kamara

010923 Hataw Frontpage

ni GERRY BALDO

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang isang militanteng kongresista matapos umalingawngaw ang ‘internal squabbling’ sa hanay ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay House Deputy Minority leader France Castro, nakababahala ang mga napababalitang gaya nito.

“Nakababahala ang ganitong mga sinasabing ‘squabblings’ sa loob ng AFP dahil kung may ganito ay maaaring magkaroon na naman ng mga coup d ‘etat tulad no’ng dati at magkaroon muli ng sandamakmak na human rights violations at pagdanak ng dugo,” ani Castro.

“The supposed reason of the squabbles is Republic Act No. 11709, a law enacted by former President Rodrigo Duterte in April last year that, among others, set a fixed term of three years for eight of the most senior AFP officers, including the chief of staff and the commanders of the Army, Air Force and Navy. It seems that the law is creating tensions or divisions within the military, as some members may feel that they have been passed over for promotion or that the selection process was not fair,” ayon sa kongresista.

“Some military officers are strongly lobbying for it to be repealed or at least amended by Congress. So political favors are expected to be owed when that happens,” anang Deputy Minority leader

“That is the sad state of the AFP today that officers are wrangling among themselves to get to the top rank and get a bigger piece of the pie while their soldiers are committing human rights violations left and right,” dagdag niya.

“Sinoman ang umupong AFP Chief of Staff ay dapat na palagiang iginagalang ang karapatang pantao. ‘Di uubrang sa salita lang ito o kapag may kaharap na media pero sa aktwal ay lansakan ang paglabag dito,” pahayag ni Castro.

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …