UMABOT sa 81 pamilya ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan na apektado ng pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan sa lungsod ng Iligan, lalawigan ng Lanao del Norte.
Nagmula sa Brgy. Hinaplanon ang 73 pamilya habang ang tatlo ay mula sa Bryg. Del Carmen at dinala sa Hinaplanon National High School.
Nitong Linggo, 25 Disyembre, may kabuuang 85 pamilya o higit 300 katao ang inilikas mula sa apat na purok sa Brgy. Hinaplanon.
Ayon sa mga residente, ito ang unang pagkakataon na muling binaha ang kanilang lugar mula noong bagyong Sendong noong 2011.
Samantala, namahagi ng mga pagkain at non-food items ang City Council Disaster Risk Reduction and Management Committee katuwang ang Iligan City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), Philippine Coast Guard, sa direktiba ni Mayor Frederick Siao.