HINDI na nadala sa ospitalatagad namatay ang isang 44-anyos traffic enforcer nitong Martes ng hapon, 13 Disyembre, nang masagasaan ng truck sa bayan ng Carmona, lalawigan ng Cavite.
Ayon sa ulat mula sa PRO-4A PNP nitong Miyerkoles, 14 Disyembre, nakatayo ang biktimang si Sammy Osena sa gilid ng highway sa Brgy. Maduya, sa nabanggit na bayan, dakong 1:30 pm nang mabangga ng isang Isuzu aluminum van na minamaneho ng driver na kinilalang si Nelson Amores.
Agad namatay si Osena dahil sa mga pinsalang inabot ng kanyang katawan.
Ayon kay Amores, binabagtas nila ang pakurbang bahagi ng kalsada ngunit siya ay nalito sa pagkontrol sa sasakyan kaya nabangga ang traffic enforcer.
Nananatiling nasa kustodiya ng pulisya ang driver para sa naangkop na disposisyon.